Libo-libo ang nag-abang sa pamaskong handog ni Pangulong Duterte

Libo-libo ang nag-abang sa pamaskong handog ni Pangulong Duterte

- May pamaskong handog si Pangulong Duterte sa mga taga-Davao

- Umabot ng halos 60,000 na tao ang pumila sa labas ng bahay ng Pangulo

- Dahil sa haba ng pila ay may ilang mga nahimatay at inabot na ng gutom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos 60,000 na taga-Davao City ang pumila sa ancestral house ni Pangulong Rodrigo Duterte upang tumanggap ng Pamasko. Nalaman ng KAMI na umabot umano ng halos 2 kilometers ang mga nakapila sa labas ng bahay ng Pangulo ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Ang ibang mga residente ay pumila na agad simula hating gabi pa lang at naghintay ng 11 oras upang makakuha ng aguinaldo. Ayon sa isang pumila na si Imelda Infiesto ay nakakuha ang mga tao ng grocery, food packs, gift check, at P150.

Ilang mga senior citizens daw ang hinimatay dahil sa haba ng pila at ang iba ay hindi na nakapaghintay dahil sa gutom.

Ayon sa ulat ng UNTV News ay nagdagdag pa ng mga tauhan ang Davao City Police dahil sa hindi inaasahang dami ng mga pupunta. Umabot daw sa 100 ang mga pulis upang bantayan ang seguridad ng Pangulo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taon-taon ginagawa ni Pangulong Duterte ang “gift giving” tuwing Pasko, simula pa lamang noong Mayor siya. Kaya naman, walang tigil sa pasasalamat ang mga taong natutulungan niya kada Pasko.

Unang naibalita naman ng KAMI na dalawang araw bago ang Pasko ay nagpunta si Pangulong Duterte sa ospital ng mga batang may kanser. Namigay ang Pangulo ng pera, laruan, at pagkain ayon kay SAP Bong Go.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter threatens mom that she'll not call again if she doesn't send P2,500 for her anniversary with boyfriend

Daughter threatens nanay, if she'll not send P2,500 for her anniversary with boyfriend, she'll not call again

Daughter threatens nanay, if she'll not send P2,500 for her anniversary with boyfriend, she'll not call again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel