‘You have to make sukat!’ Ruffa Guttierez’ ‘sosyal’ way of cooking rice goes viral

‘You have to make sukat!’ Ruffa Guttierez’ ‘sosyal’ way of cooking rice goes viral

- Ipinakita ni Ruffa Guttierez sa publiko kung paano siya magluto ng kanin

- Kilalang mayaman ang aktres at hindi masyadong sanay sa mga gawaing bahay

- Nag viral naman agad ang kaniyang “sosyal” na paraan ng pagsasaing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinag-usapan sa social media ang aktres na si Ruffa Guttierez dahil sa “sosyal” na paraan nito ng pagluluto ng kanin.

Nalaman ng KAMI na ipinakita ng nasabing celebrity kung paano siya magsaing sa programang “Gandang Gabi Vice” kung saan guest sila ng kaniyang kapatid na si Richard at nanay na si Annabelle Rama.

Nag-ugat ang viral na pangyayari nang hamunin ni Vice Ganda si Ruffa na magsaing sa harap ng kaniyang nanay at habang nanonood ang publiko.

Kilalang maykaya ang pamilya Guttierez kaya naman marami ang nag-abang kung marunong din ba sila sa gawaing bahay katulad ng pagluluto.

Sinimulan ni Ruffa ang pagsasaing sa pamamagitan ng paglalagay ng bigas sa kaldero at pagbuhos ng tubig dito.

Napahalakhak naman ang studio audience nang sabihin ng aktres na susukatin ang tubig sa pamamagitan ng pinky finger at agad siyang pinagsabihan ng kaniyang ina na middle finger dapat ang gagamitin na panukat.

Habang excited ang lahat sa ginagawa ni Ruffa, nag suggest si Richard na dapat ay hinahalo muna ang rice at ang tubig upang mahugasan ito.

Kinuha naman agad ni Ruffa and pantakal at ito ang ginamit niya upang haluin ang bigas na may tubig kaya naman mas lalo pang humalakhak ang mga tagapanood.

“You have to make sukat,” ayon sa aktres.

Matapos mahugasan at masukat ang tubig ay sinabi na ni Ruffa na pwede nang ilagay sa oven ang cooking pot upang lutuin ang kanin.

Agad naman siyang kinuwestiyon ni Vice at Richard kung bakit sa oven ilalagay at pinagtawanan din siya ni tita Annabelle at ng studio audience.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito ay hindi naiwasan ng mga netizens na mag react nang mapanood ang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Alam mo ung sosyal na di nkakairita panuurin at pakinggan hahahaha love love laughtrip tlga.”

“This is the real ''sosyal'' not ''pa-sosyal'' haha I love Ruffa!”

“Tanggapin natin na may mayayaman na Filipino at di sanay magsaing. Kasi kung puro mahirap tayo eh di lugmok ang Pilipinas. Masaya makakita ng umaasensong Pinoy.”

“Di mo masisi cla wlang alam gawaing bahay lumaking mayaman cla hhhii ang bait ng mga mag kapatid nato hhhiii laptrip.”

Narito ang nakakatuwang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinuking ni Ruffa ang dahilan kung bakit isang taon na hindi nag-usap noon ang kaniyang mga kapatid na sina Richard at Raymond.

Si Ruffa Guttierez ay isang Filipina actress, model, at beauty queen na nanalo bilang second runner-up sa Miss World 1993. Mayroon na siyang dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran.

POPULAR: Read more news about Ruffa Guttierez!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel