Kakaibang feature sa paa ni Catriona Gray, ibinunyag ng kaniyang Team Manager

Kakaibang feature sa paa ni Catriona Gray, ibinunyag ng kaniyang Team Manager

- Hindi daw basta-basta ang paghanap o paggawa ng susuotin na sapatos ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

- May kakaibang feature daw kasi ito sa paa na lingid sa kaalaman ng publiko

- Ito ay ibinunyag ng kaniyang Team Manager na si Jojo Bragais

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Taliwas sa inaakala ng marami na “perpekto” na sa katangian ang bagong Miss Universe na si Catriona Gray, mayroon din pala itong itinatagong kakaiba sa katawan.

Nalaman ng KAMI sa pamamagitan ng Team Manager na si Jojo Bragais na may hindi pangkaraniwang feature sa paa ang nasabing beauty queen.

Ibinunyag nito sa programang Rated K na hindi basta-basta ang pagpili ng sapatos na gagamitin ni Catriona dahil mahahaba ang tatlong daliri nito at ang iba ay maiiksi.

Pag nagkamali daw sa fitting ay maaring lumabas ang tatlong mahahabang daliri sa paa at posibleng makita ito ng publiko.

“Nakakatawa siya! Cat, sorry ha? Hindi ko alam kung anong reason [kung] bakit [pero] itong tatlo sobrang haba tapos [yung iba] maiksi…” pagbubunyag ni Jojo.

“So pag kinukulong mo yung daliri ng paa niya, minsan pag nagkamali ka sa fitting, nakalabas itong tatlo…” sabi pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging emosyonal ang mga netizens nang mapanood ang video habang magkayakap si Catriona at ang kaniyang designer na si Mak Tumang pagkatapos lamang ng Coronation Night.

Si Catriona Gray ay isinilang sa Australia ngunit lumaki dito sa Pilipinas. Itinanghal siyang Miss Universe 2018 noong December 17 sa Bangkok, Thailand.

POPULAR: Read more news about Catriona Gray!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel