Wais! Former PBB housemate Maris Racal, isang certified businesswoman na

Wais! Former PBB housemate Maris Racal, isang certified businesswoman na

- Hindi maikakaila na marami ng mga dating PBB housemates ang tunay namang gumanda ang buhay at lalong gumanda ang buhay pagkatapos makilala sa sikat na Bahay ni Kuya

- Isa sa mga talaga namang umasenso na mga dating Pinoy Big Brother housemates ay si Maris Racal na bukod kagandahan at kagalingan sa pagkanta at pagsayaw ay businessminded din

- Ngayon, isa na rin siyang ganap na negosyante at ang unang bungad niya sa pagnenegosyo ay ang pagkakaron ng isang restaurant

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bongga na bongga na ang pagiging pagkakabogera ni Maris Racal sa pagiging wais dahil bukod pa sa pagiging isa sa mga most sought-after young stars sa panahon ngayon ay isang ganap na negosyante na.

Napag-alaman ng KAMI na isang businesswoman na ang dating PBB housemate dahil meron na pala itong restaurant sa Davao.

Isa sa mga sikat na batang aktres ngayon ay si Maris Racal na tila alam na kung ano ang gusto niya sa buhay pagkatapos ng showbiz.

Wais na bata nga raw ito dahil alam ni Maris na palaguin ang kanyang pinaghirapang kanta sa showbiz.

Ayon pa sa tweet ng Star Cinema, sa isang panayam ng Push, kamakailan lang, ibinahagi raw ni Maris kung paano siya natoto sa paggastos at pag-iipon ng kanyang pera.

Saad pa ni Maris:

"Ako talaga before masasabi ko na iniisip ko talaga lahat ng binibili ko. Ngayon unti-unti na akong natututo mag-treat ng self but I make sure na lahat ng binibili ko worth it you know. Hindi 'yung nagwawaldas lang. Kasi naman sayang 'yung money."

Sinunod daw ni Maris ang payo ng kanyang mga magulag na mag-invest sa isang restaurant noong Hulyo.

Pag-amin pa ng singer-actress:

"Meron na po akong business. Sa Davao po siya, restaurant."

Una ng ibinahagi namin ang pagpapatayo ng restaurant at bahay ni Maris sa Davao sa Magandang Buhay, kamakailan lang.

Ngayon, nagbukas na nga raw ito at nagsisimula na ito ng business operation.

Dugtong pa ni Maris:

"And 'yung pinapa-handle ko ng lahat, 'yung brother ko. Pero small time pa lang siya, hindi pa siya nag-grand opening. Siguro soft opening pa lang siya and hindi pa siya 'yung built na talaga. Family resto. Ako po talaga nag-fund."

Si Maris Racal ay nakilala sa Pinoy Big Brother: All In bilang ang 'Singing Sunshine ng Davao' at lumabas na 2nd placer

POPULAR: Read more news about Maris Racal here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel