Masipag na ina! Karla Estrada, pinamalas kung paano siya sa bahay tuwing walang taping

Masipag na ina! Karla Estrada, pinamalas kung paano siya sa bahay tuwing walang taping

- Pinamalas ni Karla Estrada sa publiko sa pamamagitan ng isang video ang kanyang 'mommy duties'

- Nagbahagi siya ng kanyang ginagawa tuwing wala silang taping

- Sobrang naaliw at humanga naman ang mga netizens sa ibinahagi ni Mommy Karla

Nagbahagi sa social media ngayong pasko si Karla Estrada tungkol sa kanyang ginagawa sa bahay kapag tapos na ang kanyang mga taping.

Ayon sa kanya, ito daw ang nagiging, "epekto ng pagkatapos ng Christmas party sa bahay mo, ikaw din mag lilinis!" pabiro nitong sabi sa caption ng kanyang post.

Kanya ring ibinahagi na siya ngayon ang nag aasikaso ng gawain sa bahay dahil binigyan niya ng Christmas break ang kanilang mga kasambahay.

Source: @karlaestrada1121 (Instagram)

Source: @karlaestrada1121 (Instagram)
Source: Instagram

Pinaliwanag ni Karla kung paano siya mag multitasking kagaya ng ibang mga nanay, "Alam n’yo na pag nanay ka na, automatic kaya mong pag sabay sabayin lahat yan! Teka... makapag laba nga ng mga white t-shirts ni Daniel! At makapag pamalantsa nga ng de uling! #maypagkaOAdin."

Nalaman din ng KAMI na talaga namang bumenta ito sa mga netizens dahil natuwa at humanga sila sa pagiging masipag at makuwela ni Mommy Karla.

"yan si tita karla!!! super mama!!!"

"you're indeed a GREAT MOM. God bless you."

"Merry christmas ...kaht pano napasaya mo ang lahat"

"You have a beautiful home, @karlaestrada1121! I love your front doors."

"monshie awat na nanalo kna palakpakan"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, inamin ni Karla na wala na sila ng kanyang karelasyon sa loob ng pitong taon. Sa pagkakataong ito daw ay hindi na daw niya hahanapin ang pag-ibig at maghihintay na lamang siya sa taong ibibigay sa kanya.

Si Karla Estrada ay may apat na anak na sina – Daniel Padilla, Jose Carlito, Margaret at Carmella, sa iba't-ibang ama. Siya rin ay co-host ng ABS-CBN talk show na Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal and Melai Cantiveros.

POPULAR: Read more news about Karla Estrada

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features a low-budget parody of Ariana Grande's music video for Breathing! This parody is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel