Maling akala! Totoong may-ari ng address na kumalat na sa Ateneo student daw, nagsalita na

Maling akala! Totoong may-ari ng address na kumalat na sa Ateneo student daw, nagsalita na

- May kumalat umano sa social media na address ng batang nasangkot sa pambubully sa Ateneo

- Subalit, hindi naman daw ito ang totoong address ng bully

- Kaya naman, nagsalita na ang totoong may-ari ng address sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging mainit na usapan sa social media ang pambubully na nangyari sa mga estudyante ng Ateneo de Manila Junior High. Maging ang mga netizens ay nanggigil sa insidenteng ito. May mga kumalat din sa social media na address diumano ng bully.

Nalaman ng KAMI na tila hindi pala sa bully na taga-Ateneo ang address na iyon. Isang Facebook user na nagngangalang Jewel Taculod ang hindi na napigilang magsalita ukol dito dahil sakanila daw ng pamilya niya ang address na kumakalat.

Ayon sa caption ni Taculod, “Please stop spreading our residential address.”

“We do not know this bully.. THE ADDRESS POSTED IN THE COMMENTS SECTION (JOAQUIN MONTES POSTS) IS FAKE AND NOT LEGITIMATELY THE BULLY’S ADDRESS. Please stop, may pamilya po kayong naaapektuhan. Please,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi rin ni Taculod ay may mga umoorder daw online at ipinapadala sa kanilang address. Aniya, "Jollibee deliveries, Pizza hut delivery of worth 7k.. for Joaquin Montes. Ano pa bang darating?"

Ayon sa report ng Rappler ay naglagay na raw note ang pamilya Taculod sa kanilang bahay na may nakasulat na, “This is NOT the house of [the bully] or their family. Any delivery in that name, please return to sender. You are a victim of FAKE NEWS. - the real owners”

“First time nangyari ito sa amin – 'yung hindi ka makatulog kasi baka may dumating na unexpected. We are feeling unsafe now na kalat sa social media ang address namin,” giit ni Taculod.

Unang naibalita ng KAMI na pinatalsik na sa Ateneo ang bully na estudyante subalit hindi pa ito makakasuhan dahil wala pa siyang 15 taon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ariana Breathin Low-Budget Parody | Dear Ariana, we love you so much and want you to notice this video. Sincerely yours, HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel