Nawindang lahat! Isang Indonesian rock band, natangay ng tsunami

Nawindang lahat! Isang Indonesian rock band, natangay ng tsunami

- Sinalanta ng tsunami ang Indonesia noong Sabado ng gabi

- Halos 222 ang naiulat na nasawi at higit 800 ang nasaktan

- Kitang-kita naman sa isang video kung paano natangay ng tsunami ang isang sikat na banda sa Indonesia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang tsunami ang gumulantang sa Indonesia noong Sabado ng gabi kung saan halos 222 na tao ang nasawi at lagpas 800 ang naulat na nasaktan ayon sa balita ng CNN.

Nalaman ng KAMI na tila walang warning o anumang senyales ang nabigay para sa volcanic tsunami na ito.

Ayon sa Facebook video na pinost ng The Jakarta Post ay kitang-kita kung paano natangay ng tsunami ang Indonesian rock band na Seventeen sa kalagitnaan ng performance nila sa Tanjung Lesung Beach Resort base sa ulat ng GMA News.

Nagpost naman sa Instagram ang lead vocalist ng banda na si Riefian Fajarsyah kung saan naging emosyonal ito nang sabihing namatay sa insidente ang kanilang bassist na si M. Awal “Bani” Purbani at road manager na si Oki Wijaya.

Dagdag niya pa, nawawala raw ang kanilang drummer na si Andi, guitarist na si Herman ang isang crew member na si Ujang. Maging ang asawa ni Fajarsyah na si Dylan Sahara na birthday noong Linggo ay hinahanap pa rin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang tsunami raw ay nagmula sa pagsabog ng Krakatoa volcano sa Sunda Strait na makikita sa pagitan ng mga isla ng Java at Sumatra ayon sa Meteorology, Climatology and Geological Agency ng Indonesia.

Inaanyayahan ng KAMI na mag-alay ng dasal ang lahat para sa Indonesia lalo na sa mga naging biktima ng tsunami.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ariana Breathin Low-Budget Parody | Dear Ariana, we love you so much and want you to notice this video. Sincerely yours, HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sino mas pinaniwalaan? Netizens react to Gretchen Barretto's revelations about Kris Aquino

Sino mas pinaniwalaan? Gretchen Barretto's revelations about Kris Aquino elicits mixed reactions among netizens

Sino mas pinaniwalaan? Netizens react to Gretchen Barretto's revelations about Kris Aquino
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel