Ama ng viral Ateneo student, isa umanong Pulis iskalawag

Ama ng viral Ateneo student, isa umanong Pulis iskalawag

-Sa isang radio interview, ibinahagi ng dating DILG secretary na si Raffy Alunan at ngayo'y presidente ng Phil. Taekwondo Association ang ilang impormasyon tungkol sa ama ng viral na Ateneo student

-Ayon umano sa mga nakalap niyang impormasyon sa loob ng PNP, ang ama nito ay isang Pulis iskalawag

-Bukod rito, posible umanong may kinalaman din ito sa drug dealing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang radio interview sa Radyo Pilipinas nagpaunlak ng panayam ang dating Department of Interior and Local Government at ngayo'y presidente ng Phillippine Taekwondo Association na si Raffy Alunan.

Ayon kay Alunan, nagtanong-tanong siya sa ilang kaibigan sa loob ng Philippine National Police kaugnay sa pamilya ng batang nag-viral kamakailan lang.

Sa kanya umanong pagtatanong nalaman nitong ang ama ng batang nang-bully at nanakit ng kapwa estudyante ay isang Pulis iskalawag at ipinatapon umano sa Mindanao.

“Nagtatanong-tanong ako kung bakit ganoon itong batang ito, parang they feel that they are untouchable and entitled to hurt others.

Ang balita sa akin at chineck ko ito sa PNP, iskalawag pala itong tatay eh. Tinapon ata sa Mindanao for being a iskalawag.

I’m looking to his background kung bakit iskalawag itong lokong ito. Because PNP should not tolerate that.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

If this guy is (really a) iskalawag they should file cases against him and kick him out of the force,” ani Alunan.

Sinabi rin nito na dapat ring maimbestigahan ang mga magulang ng bata. Bukod sa pagiging iskalawag, posible rin umano na may kinalaman ang ama ng bata sa droga.

“Yun ang lumabas sa inquiry ko sa mga kaibigan ko sa loob ng PNP. Ang banggit sa akin, ganoon ang reputation niya sa loob ng PNP…

Ang insinuation sa akin that this guy might be involved in dru9 dealing or dru9 protection. ‘Yung ang pagkakasabi sa akin, kaya sabi ko nga this guy needs a formal investigation,” anito.

Samantala, isa namang Filipino-Canadian Army instructor ang humamon sa ama ng bata sa isang man-to-man match na una nang naibalita ng KAMI.

Narito ang buong panayam kay Raffy Alunan:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Brian Velasco, may huling habilin ilang minuto bago nagpatihulog sa gusali

Huling habilin ni Razorback drummer Brian Velasco sa FB live stream bago nagpatihulog sa building

Brian Velasco, may huling habilin ilang minuto bago nagpatihulog sa gusali
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel