May binaril siya! Pres. Duterte proudly admits shooting bully law student of San Beda

May binaril siya! Pres. Duterte proudly admits shooting bully law student of San Beda

- Inamin ni Pres. Duterte sa isang pagtitipon na may binaril siyang law student sa San Beda noon

- Ito raw ay dahil binu-bullly siya ng nasabing estudyante dahil siya'y Bisaya

- Na-expel ang presidente dahil sa nasabing insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang pagtitipon sa Iloilo kung saan naging guest speaker ang Presidente, hindi naiwasang mai-take up ang bullying incident sa Ateneo.

Nalaman ng KAMI na may kinuwento ang Presidente tungkol sa bullying na siya mismo ang nakaranas.

Sabi niya may bully noon na San Beda Law student na siya ang binubully dahil sa pagiging Bisaya.

May binaril siya! Pres. Duterte proudly admits shooting bully law student of San Beda

May binaril siya! Pres. Duterte proudly admits shooting bully law student of San Beda (Photo: politico)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Rappler, kinuwento ng Preidente na binaril niya ang nasabing bully kung kaya't na-expel siya.

Pero nakagraduate din siya eventually.

"Pero sa totoo lang, sanay ako magbaril ng tao. Mag-graduate na lang kami sa San Beda, may binaril akong tao,” kuwento ng Pangulo.

"Alam mo abusado kasi, every time ‘yang slur, ‘Oy Bisaya, dito!’ ‘Yang unang kasuntukan ko…Itong gagong ito, sabi, ‘Hoy, mga Bisayang nagkakalat sa mundo,’” pagpatuloy ng kuwento ni Duterte.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Mag-gagraduate na kami, binantayan ko siya, sabi ko, ‘Ito, may tama ito sa akin. Bago kami maghiwa-hiwalay sa San Beda, ginaganoon niya, bully, ‘Hoy, hoy, hoy,’ kasi nasa corridor kami, papasok. Sabi ko sa kanya, ‘Putang-ina mo kung tinamaan ako niyan, babarilin kita. P*****-***, tinamaan nga ako sa ilong. Ahhh, bang! Expelled.”

Di na nagbigay ng ibang detalye ang Presidente sa kung ano ang nangyari sa bully na binaril niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sino mas pinaniwalaan? Gretchen Barretto's revelations about Kris Aquino elicits mixed reactions among netizens

Sino mas pinaniwalaan? Netizens react to Gretchen Barretto's revelations about Kris Aquino

Sino mas pinaniwalaan? Netizens react to Gretchen Barretto's revelations about Kris Aquino
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel