Toni Gonzaga, bumuhos ang luha nang ikinwento ang sakripisyo at pagmamahal ni mommy Pinty

Toni Gonzaga, bumuhos ang luha nang ikinwento ang sakripisyo at pagmamahal ni mommy Pinty

- Hindi na napigilan ng Ultimate Multimedia Superstar na si Toni Gonzaga ang pagbuhos ng luha niyang nang muling balikan ang lahat ng sakripisyo at pagmamahal ni mommy Pinty

- Bumisita ang mag-sissums Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa Magandang Buhay, at sa nasabing pagbisita, napanayam din over the phone ang kanilang ina

- Nang ikinwento ni Toni ang lahat ng ginawa ng ina, pagmamahal, at ang paniniwala nito sa kanya at kay Alex, napaluha ito dahil sa pasasalamat sa kanilang mommy

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bago pa man dumating ang Pasko, ipinaramdam na umano ng mag-sissums na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga ang kanilang pagmamahal at paghanga sa kanilang ina na si mommy Pinty.

Napag-alaman ng KAMI na bumisita ang mag-sissums sa Kapamilya TV show Magandang Buhay na ipinalabas ngayong Biyernes, December 21, 2018.

Dito ay napag-usapan rin ang kanilang pinagdaanan at mga sakripisyo at pagmamahal ng kanilang mga magulang na sina mommy Pinty at daddy Bonoy.

Sa nasabing panayam ay naging emosyonal ang Romantic-Comedy Queen na si Toni Gonzaga nang magbigay pugay siya kay mommy Pinty.

Ibinahagi ni Toni kung paano nagsakripisyo ang kanilang mommy nang iniwan ang pagiging boss para tumayong manager, PA, at driver niya dahil wala daw taong naniniwala sa kanya noon.

At ngayon, manager na din si mommy Pinty sa nakakabatang kapatid na si Alex.

Todo suporta si mommy Pinty sa mga dreams nilang magkapatid.

Emosyonal na kwento ni Toni:

"Kasi naalala ko dati talaga, wala. Sabi ko, 'Mommy, walang naniniwala sa akin na mag-artista o sa kapatid ko.' Sabi ni mommy, 'Basta, huwag kang mag-give up kay God.' Sabi niya, 'Kahit mahirap, ako na lang ang bahala. Kahit wala akong alam sa pagma-manage sa artista, gagawin ko 'yan.' Tapos tingnan mo, kahit papaano, 20 years na ako sa showbiz, siya pa rin ang manager ko."

Isiniwalat din ni Toni ang panahon na hindi sila magkasundo ni mommy Pinty at dito napagtanto niya ang pagmamahal ng huli sa kanya.

Dugtong pa ni Toni:

"Tapos tuwing iisipin ko iba na lang ang mag-manage sa akin, maiisip ko hindi. Kasi nung wala pang naniniwala sa kin, ang mommy ko ang unang naniwala sa akin. Kaya hindi ko siya iiwan."

Nasa linya ng telepono naman si mommy Pinty na nasa New Jersey noong oras na iyon, ibinahagi rin ang ginawa niya at ng kanyang mister na si daddy Bonoy, at ang lahat ay ginawa nila para sa mga anak dahil sila ay isang pamilya.

Ani pa ni mommy Pinty:

"Nakakaiyak naman, so touching. Actually hindi lang ako pati si Daddy. Si Daddy talaga ang sobrang naniwala sa talent ng mga anak ko. Siya ang nag-push sa akin. Nakita niya 'yung determination, 'yung passion. Nung una si Toni lang 'yan, then si Alex. So it's really a family teamwork, hindi lang ako."

Watch the heart touching video below, na una naming naispatan sa ABS-CBN News.

Parte sa kanilang promotion ng MMFF 2018 movie entry Mary, Marry Me sa Kapaskuhan ang pagbisita ng mag-sissums na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga and Alex Gonzaga here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Scarlet Snow Belo wows the netizens with her excellent version of Catriona Gray's slow-mo twirl

Scarlet Snow Belo wows the netizens with her excellent version of Catriona Gray's slow-mo twirl

Scarlet Snow Belo wows the netizens with her excellent version of Catriona Gray's slow-mo twirl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel