Sundalong advanced mag-isip, inalok ng kasal ang kapwa-sundalo na 'di pala niya GF

Sundalong advanced mag-isip, inalok ng kasal ang kapwa-sundalo na 'di pala niya GF

-Bumuhos ang masayang tawanan at pagbati para sa bagong magkasintahan na sila Corporal Mike Asangayin at LT Jennymor Amod

-Ngunit bago nito, ginulat muna ni Asangayin si Amod sa isang proposal

-Sa huli isang matamis pa rin na 'yes' ang natanggap ni Asangayin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gulat na gulat at halos hindi makapag-salita si LT Jennymor Amod matapos na mapropose sa kanya ni Corporal Mike Asangayin.

Ngunit ang mas nakakaloka sa eksena ay hindi pala sila mag-nobyo at isang buwan pa lang na magkakilala.

Kagagaling lamang sa pagtalon ang Airborne student na si Amod nang salubungin siya ng mga kapwa sundalo kasama na si Asangayin.

Sa isang banner na hawak ng ibang sundalo, nakalagay ang "will you be my?" habang ang banner na hawak ni Asangayin naman ay may nakalagay na "wife".

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Halata ang pagkagulat sa mukha ni Amod lalo pa dati pala niyang training director si Asangayin!

Napuno ng kantyawan ang lugar at sa huli, napa-yes na rin si Amod ngunit sa kondisyon na maging mag-nobyo lang muna sila.

Okay lang naman daw ito kay Asangayin at handa itong maghintay sa kasamahang sinisinta pala.

Ayon naman kay Amod, hindi niya pinaniwalaan ang mga panunukso sa kanila nang tanungin kung naramdaman niya bang may gusto sa kanya ang dating training director.

Sa huli masayang-masaya ang buong tropa sa simula ng nakakagulat na relasyon ng kanilang mga kasamahan.

Source: GMA News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel