Miss Universe 2005 Natalie Glebova, nagbigay ng opinyon sa pagkapanalo ni Catriona Gray

Miss Universe 2005 Natalie Glebova, nagbigay ng opinyon sa pagkapanalo ni Catriona Gray

- Kamakailan lang ay nagbitiw ng mga salita si Natalie Glebova tungkol kay Catriona Gray

- Siya ay isa ding titleholder na nanalo naman sa Miss Universe noong 2005

- Nagbigay din si Natalie ng opinyon tungkol sa mga kandidata ng pageant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nagpahuli si Miss Universe 2005 Natalie Glebova sa pagbibigay ng saloobin tungkol sa performance at pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018.

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng isang Thai television show ay nagpahayag ang naging pambato ng Canada noong 2005 ng kaniyang opinyon tungkol sa Filipina beauty queen.

Sinabi nitong deserving talagang manalo si Catriona dahil halata naman daw na pinaghandaan talaga nito ang pagsalang sa prestihiyosong pageant.

Mababakas daw sa kaniyang lakad, ikot, at sa pagsasalita na puspusan ang naging paghahanda ng Bicolana model para sa kompetisyon.

“I feel that Catriona deserved to win because she was one of the most prepared girls, and I always say if you prepare well, you will do well in the competition,” saad ng 37-year-old titleholder.

“And you can tell she practiced: her walks, the way she spoke, the turns, the hair flips… Everything… the whole package,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa pagpapatuloy ng panayam ay nagpasaring si Natalie sa ibang kandidata na kailangan din nila ng parehas na intensity ng paghahanda kung gusto nilang manalo sa Miss Universe.

Sinabi nitong hindi lang naman daw kasi pagandahan ng mukha o lakad ang labanan kundi ang pagiging malakas at preparado ng isip.

“And as I said, the preparations, that’s her strength and I believe that if any girl really took time to prepare the same way, they could have the same results. Winning is 90 percent mental. It’s mental toughness, mental strength...” sabi ng dating Miss Universe.

“If you are mentally prepared and you are not psyched out by the other contestants, you don’t feel inferior or threatened by any other else, and you’re just in your zone, in your mode, in your winner’s mode; then nobody can stop you,” dagdag pa nito.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay si Misss Spain Angela Ponce naman ang nagpaabot ng saloobin tungkol sa pagkakahirang kay Catriona bilang Miss Universe.

Si Natalie Glebova ay isinilang noong November 11, 1981 at nag-uwi ng ikalawang Miss universe crown para sa kaniyang bansa. Parehas kay Catriona, naganap din ang koronasyon ni Natalie sa Thailand.

POPULAR: Read more news about Catriona Gray!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy Legaspi are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy Legaspi are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel