Lalaki, hinamon ng 1 man-to-man match ang ama ng viral na Ateneo student

Lalaki, hinamon ng 1 man-to-man match ang ama ng viral na Ateneo student

-Kaugnay pa rin ng viral na estudyante ng Ateneo De Manila University, isang lalaki naman ang naghamon sa ama ng estudyante

-Ayon sa Filipino-Canadian, hindi raw naturuan ng maayos ng ama nito ang bata kung kaya naman nais daw nitong turuan ng leksyon ang ama nito

-Samantalang nag-alok naman ng libreng pagtuturo ng self-defense ang lalaki para sa biktima ng estudyanteng nang-bully at nangbugbog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang man-to-man match ang hamon ng Filipino-Canadian na si Joseph Perez Otazu, isang combat soldier at minsan nang nasabak sa Afghanistan, sa ama ng viral na esudyante ng Ateneo De Manila University.

Ayon kay Otazu, hindi ang bata ang dapat sisihin sa ipinakita nitong pag-uugali, sa halip ay ang magulang nito.

“I don’t really blame the kid for that for that kind of behavior, I blame the parents for that,” anito sa isang video.

“It’s up to you as a parent to control your kids, teach your kids respect and alam mo naman yan kung if your kid is exhibiting that kind of behavior, it’s up to you to correct your kid,” dagdag pa nito.

Hindi umano ito nakatulog nang mapanood ang mga video ng pananakit ng bata sa mga kapwa nito estudyante at naawa sa mga biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nag-alok rin ito ng premyong P100,000 para sa ama ng estudyante kung sakaling manalo ito sa kanilang match. Kung siya naman daw ang manalo, kailangang mag-public apology ito para sa nagawa ng kaniyang anak.

“Mr. Montes if you are watching the video, I hope you do, I really hope you do, this is my offer to you.

Obviously hindi mo tinuturuan properly ang mga kids mo, so this is what I’m gonna do to you, I’m challenging you into a fight, tayong dalawa, kung gusto mo sa harap pa ng kids mo,”

“Name me the time, the place, I’ll be there,” anito.

Ibinigay pa nito ang personal contact number nito sa naturang video.

Nag-alok rin ito ng libreng pagtuturo ng self defense para sa mga naging biktima ng estudyante.

“Kung nakikinig ka at nanonood ka, this is my offer to you.. I am going to teach you self-defense techniques for free, because we have to put stop on this, not only to you, you and your friends, ako pa ang pupunta sayo,” sabi pa ni Otazu.

Samantala, isang Muay Thai champ naman ang humamon sa viral na estudyanteng ito ng ADMU na una nang naibalita ng KAMI.

Kaugnay pa rin ito ng kontrobersyal na video ng Junior high school student ng Ateneo na nanakit at nang-bully sa mga kapwa nito estudyante na una nang naibalita ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Details regarding text messages between Christine Silawan & boyfriend get revealed

NBI reveals details about text messages between Christine Silawan & boyfriend

NBI reveals details about text messages between Christine Silawan & boyfriend
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel