Mga magulang at officials daw ng paaaralan ang posibleng managot sa pambubully ng Ateneo student

Mga magulang at officials daw ng paaaralan ang posibleng managot sa pambubully ng Ateneo student

- Ayon sa pulisya ay maaaring ang mga magulang ng bata at opisyales ng paaralan ang managutan sa insidente

- Giit ng PNP ay dahil walang pananagutan sa batas ang mga menor de edad

- Nais din nila sanang sumailalim sa counseling ang bata pati ang mga magulang niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasangkot ang ilang estudyante ng Ateneo de Manila Junior High School sa viral video kung saan makikitang sinaktan umano ng isang estudyante na may background sa Taekwondo ang kapwa niya estudyante na naiulat din ng KAMI.

Ayon naman sa Philippine National Police ay dahil walang pananagutan sa batas ang mga menor de edad ay posibleng ang mga magulang ng nambully at ang opisyales ng paaralan ang mananagutan. Dagdag pa nila na sumailalim sa counseling ang mga magulang at ang bata ayon sa ulat ng GMA News.

“Hindi nangyari ‘yun nang ganun-ganun lang. May’ron siyang mga experiences na maaaring pinagdaanan kaya ganun siya,” giit ni PSSUPT. Gemma Vinluan ng Luzon Field Unit PNP Women’s and Children Protection Center.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa Department of Education (DepEd) ay tatlong beses na nasangkot sa issue ng bullying ang estudyante. Giit nila ay nakasaad sa batas na Anti-Bullying Act of 2013 na required ang mga paaralan na magkarooon ng mga policies ukol sa anti-bullying.

Subalit, sa ngayon ay tinitignan muna ng DepEd ang magiging aksyon ng Ateneo de Manila sa insidente sapagkat hindi muna sila manghihimasok dahil pribadong paaralan ito.

Una namang naibalita ng KAMI na may pananawagan ang DepEd na may kaugnayan sa viral video. Sabi nila, kung maaari ay ipagbigay alam kaagad o siumbong ang mga insidente ng bullying.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features some really tricky questions for our ordinary Filipinos! The questions are hilarious but the answers are even more so! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy Legaspi are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel