Isang batang nangangaroling, patay nang makaladkad ng SUV

Isang batang nangangaroling, patay nang makaladkad ng SUV

- Nasawi ang batang nangangaroling matapos nitong makaladkad ng SUV

- Agad na tumakas ang driver sa insidente

- Nananawagan naman ang pamilya ng bata sa suspek na panagutan ang insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi masaya ang Pasko ng isang mag-asawa sa Pasig dahil namatay ang kanilang isang 7-anyos na anak. Nalaman ng KAMI na huling-huli sa CCTV na tila nasagasaan ang bata at nakalakadkad ito ng SUV ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Napadpad umano ang bata sa kabilang purok at habang hinihintay niya ang mga kasama sa pangangaroling ay binibilang daw nito ang mga napamaskuhan ayon sa mga nakakita. Maaaring hindi umano nakita ng suspek ang bata dahil sa liit nito nang lumiko siya papasok sa compound.

Matindi ang naging pinsala ng insedente sa ulo ng bata kaya naman nang dalhin ito sa ospital ay ideneklara na itong dead on arrival. Agad namang tumakas ang driver kaya nananawagan ang pamilya ng bata ngayon na panagutan nito ang insidente.

“Akala ko itong Pasko na ‘to magiging masaya kami, hindi pala,” giit ng ama ng bata.

“Lumutang ka na kasi masakit ‘yung ginawa mo. Ang sakit-sakit. Maawa ka sa akin, maawa ka sa anak ko, maawa ka sa asawa ko,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Paalala naman ng awtoridad sa mga magulang na huwag nang bantayang mabuti ang mga o i-monitor ito at huwag nang papuntahin sa malayong lugar. Giit naman ng ilang mga grupo sa mga mambabatas ay pag-intingin pa ang proteksyon para sa mga bata sa lansangan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment! A random man (played by our actor Roi) is asking people to help him with transportation money and seems like no one believes him or cares about his trouble. But then we met Tatay Kariton who counts every peso and he did a really touching thing. Be kind this Christmas and may this kindness return to you. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter threatens mom that she'll not call again if she doesn't send P2,500 for her anniversary with boyfriend

Daughter threatens mom that she'll not call again if she doesn't send P2,500 for her anniversary with boyfriend

Daughter threatens nanay, if she'll not send P2,500 for her anniversary with boyfriend, she'll not call again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel