Kaugnay ng Ateneo student! DepEd nanawagan sa publiko tungkol sa bullying

Kaugnay ng Ateneo student! DepEd nanawagan sa publiko tungkol sa bullying

-Hinikayat ng DepEd ang publiko na magsumbong kung nakararanas o nakasaksi ng pangbu-bully

-Nanawagan rin ang ahensya na huwag nang patulan ang anumang klase nito

-Kaugnay ito sa estudyante ng Ateneo na nagbugbog ng isa pang estudyante sa nasabing eskwelahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaugnay ng insidente ng pangbu-bully at pangbubugbog ng isang estudyante ng Ateneo na agad kumalat sa social media, nanawagan naman Department of Education sa publiko.

Ayon kay Deped Director for Legal Services Suzette Medina sa isang panayam sa GMA News, i-report ang anumang insidente ng pangbu-bully.

“Makialam at magsumbong,” sabi ni Medina. “Hindi po puwedeng tumawa, makitawa, kasi baka po ang akala rin ng mga bully ay nakakatawa. Baka akala po nila ay OK lang po.”

“Physical, mental, emotional, lahat po that can harm another person, that is already bullying,” dagdag nito.

Ayon sa datos ng DepEd, sa Maynila ang may pinakamaraming nai-report na insidente ng pangbu-bully.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At 22,059 na kaso ng pangbu-bully na ang naitala hanggang June 25, 2018 sa bansa sa taong 2016 at 2017.

Payo ni Medina, kung makaranas ng pangbu-bully, “Iwasan na lang. Huwag lapitan or huwag sagutin kung meron mang pangungutya.”

“Kapag susundin natin lahat ng ginagawa ng bully, lalo pong mamimihasa 'yan. So the best thing you can do is to report,” anito.

Kaugnay ng Ateneo student! DepEd nanawagan sa publiko tungkol sa bullying

Photo source: Getty Images
Source: Getty Images

Naiulat na rin ng KAMI ang nakababahalang insidenteng ito tungkol sa estudyante ng Ateneo na nangbugbog.

Ang mas nakakabahala ay ang pagkalat ng iba pang video nito na nagpapakita ng pangbu-bully nito sa iba pang estudyante.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Si ate pa may sala? Misis, nahuli si mister at kabit sa hotel; nasisi pa ng netizens dahil sa katawan niya

Si ate pa may sala? Misis, nahuli si mister at kanyang kabit sa hotel; nasisi pa ng netizens dahil sa katawan niya

Si ate pa may sala? Misis, nahuli si mister at kabit sa hotel; nasisi pa ng netizens dahil sa katawan niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel