Catriona Gray, binisita ng Thai Princess at binigyan pa ng mga bonggang regalo

Catriona Gray, binisita ng Thai Princess at binigyan pa ng mga bonggang regalo

- Dinalaw ng isang Thai Princess si Catriona Gray matapos nitong manalo sa Miss Universe

- Bakas sa mga mukha ng dalawa ang saya sa kanilang pagkikita

- Niregaluhan din ng prinsesa ang Pinay beauty queen ng mga bonggang gamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang araw matapos koronahan si Catriona Gray bilang bagong Miss Universe, agad na nakipagkita ang prinsesa ng Thailand na si Sirivannavari Nariratana dala ang kaniyang mga ispesyal na regalo.

Nalaman ng KAMI na naganap ang pambihirang pagbisita noong Martes, December 18, bago pa lumipad ang bagong titleholder pabalik ng Pilipinas.

Ayon sa mga ulat, ang pagdalaw daw ni Princess Sirivannavari ay para batiin ang Pinay beauty queen dahil sa tagumpay nito sa prestihiyosong pageant.

Makikita sa mga larawan na kumalat sa social media ang ngiti sa mukha ng dalawa habang masayang nag-uusap.

Bukod pa dito ay mayroon ding inihandang mga ispesyal na regalo ang prinsesa para sa Bicolana model.

Sa isang litrato ay makikitang sinusubukang sukatin ni Catriona ang eleganteng evening gown na ibinigay sa kaniya ni Princess Sirivannavari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang box din ng chocolates ang natanggap ng bagong Miss Universe kaya naman ayon sa mga netizens ay dapat itong ubusin ni Catriona dahil deserve niya ang ganong klaseng regalo.

Ayon sa post: “Barbie! Catriona’s duties as Miss Universe begins! The Princess of Thailand visited Catriona to congratulate her and give her presents.”

Kilala si Princess Sirivannavari bilang isang stylish royal dahil na rin sa pagkakaroon ng sariling designer label. Palagi rin siyang dumadalo sa mga fashion weeks sa iba’t-ibang bansa.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang unseen footage ang kumakalat ngayon sa social media na nagpapakita ng ibang karakter naman ni Catriona.

Si Catriona Gray ay isinilang sa Queensland, Australia ngunit lumaki sa Pilipinas. Siya na ang ika-apat na Miss Universe mula sa nasabing bansa kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), at Pia Wurtzbach (2015).

POPULAR: Read more news about Catriona Gray!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping

Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping

Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel