Estudyante ng Ateneo, nangbugbog! Pinapili pa nito kung halik sa sapatos o ari

Estudyante ng Ateneo, nangbugbog! Pinapili pa nito kung halik sa sapatos o ari

-Agad nag-viral sa social media ang pangbubugbog ng isang estudyante ng Ateneo sa kapwa nito estudyante

-Pinapipili pa ang biktima kung hahalik sa sapatos o sa maselang bahagi nito

-Naglabas na ng pahayag ang Ateneo kaugnay ng insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-viral sa social media ang pagbubugbog ng isang senior high school student ng Ateneo sa kapwa nito estudyante sa nasabing prestihiyosong eskwelahan.

Sa video, kuhang-kuha ang pambu-bully ng batang lalaki sa isa pa sa loob ng isang comfort room.

Pinapipili nito ang biktima kung dignidad ba o bugbog.

Ayon sa batang lalaki, kailangang mamili nito kung hahalikan ang kanyang sapatos o ang maaselang bahagi nito.

Kung hindi nito ito gagawin, ay sasaktan nito ang biktima.

Sa makatuwid, mas nais na lamang ng biktima na mabugbog.

Sinapak at tinadyak-tadyakan ito. Hanggang sa magdugo na ang ilong ng biktima.

Makikita sa video na may ilan pang estudyante ang naroon kabilang na ang kumukuha ng video.

Nakababahala na may mga ganitong pangyayari lalo pa sa mga menor de edad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naglabas naman ng pahayag ang Ateneo kaugany nito. Sinabi ng eskwelahan na patuloy nilang iniimbestigahan ang pangyayari.

"The video, taken at face value, depicts an evident act of violence that constitutes a serious violation of disciplinary misconduct." ayon kay Ateneo Junior High School Principal, Jose Antonio P. Salvador.

"The video, taken at face value, depicts an evident act of violence that constitutes a serious violation of disciplinary misconduct." ayon sa statement.

Nakiusap rin ang pamunuan ng eskwelahan na itigil na ang pagkakalat ng video upang mas lalong 'di maapektuhan ang mga bata lalo pa at menor de edad ang mga ito.

"We express our concern also about the risks associated with sharing the video, online, and in social media groups.

"Not only has the privacy rights of these minors been breached but it has also provoked some reactions that do little to help the school in dealing appropriately with the incident,"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sino mas pinaniwalaan? Netizens react to Gretchen Barretto's revelations about Kris Aquino

Sino mas pinaniwalaan? Netizens react to Gretchen Barretto's revelations about Kris Aquino

Sino mas pinaniwalaan? Netizens react to Gretchen Barretto's revelations about Kris Aquino
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel