Pangulong Duterte, ibinunyag ang isang kondisyon bago makipag-areglo sa ABS-CBN

Pangulong Duterte, ibinunyag ang isang kondisyon bago makipag-areglo sa ABS-CBN

- Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kondisyon niya bago makipag-areglo sa ABS-CBN

- Giit ng Pangulo ay wala na siyang ibang hihingiin sa TV network kung hindi ang makipagtulungan sa gobyerno

- Nais ng Pangulo na tumulong ang ABS-CBN sa ‘federal system campaign’ ng Duterte administration

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May isang kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte bago siya makipag-ayos sa TV network na ABS-CBN. Nalaman ng KAMI na ayon sa report ng Inquirer ay kung sakaling makikipagtulungan daw ang ABS-CBN sa gobyerno ay makikipag-areglo raw ang Pangulo sa kanila.

“Kung magtulong kayo diyan sa federal system campaign at gawain ninyong slogan also for the unity and to preserve this republic, makipag-areglo ako,” sabi ni Pangulong Duterte.

“I will go to you and say… Wala akong hingiin. Just dedicate a portion of your time, your expensive and precious time on TV, help us promote federalism, only the good ones. But if you think that it is not into your system, fine,” dagdag niya pa.

“Pero kung suportahan lang ninyo ang… Kayong mga network, wala kayo. Wala akong hingiin, ‘yan lang. And I said, I’m willing to shake hands with you,’ ani ng Pangulo.

Pangulong Duterte, may isang kondisyon bago makipag-areglo sa ABS-CBN

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Subalit, para sa Pangulo ay may mali pa ring ginawa ang TV network.

“But kayo, may mali man rin kayo, may utang rin kayo sa gobyerno, do your part and maybe we can talk about it,” sabi ng Pangulo ayon sa report ng PEP.ph.

Giit pa ng Pangulo na parehas lang sila ng ABS-CBN na parehas ayaw sa korupsyon.

"You can continue with your criticisms about corruption. Pareho tayo ayaw ng corruption and wrongdoing,” sabi ni Pangulong Duterte.

Dating naibalita ng KAMI na tututulan daw ng Pangulo ang renewal of contract ng ABS-CBN. Niloko raw umano ng ABS-CBN si Pangulong Duterte at ilang senador katulad ni Sen. Chiz Escudero noong nangangampanya sila.

Mag-eexpire ang kontrata ng ABS-CBN sa March 30, 2020. Hanggang sa ngayon ay pending pa rin sa Kongreso ang renewal ng ABS-CBN.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment! A random man (played by our actor Roi) is asking people to help him with transportation money and seems like no one believes him or cares about his trouble. But then we met Tatay Kariton who counts every peso and he did a really touching thing. Be kind this Christmas and may this kindness return to you. - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel