Stepmom, kinulong at halos patayin sa gutom ang 5-anyos na bata

Stepmom, kinulong at halos patayin sa gutom ang 5-anyos na bata

-Kalunos-lunos ang inabot ng 5-anyos na bata sa kamay ng kanyang stepmom

-Bukod sa hindi na ito pinapakain ng sapat at ikinukulong pa ito sa isang aparador at ginagamitan pa umano ng droga ang bata

-Ang masaklap pa, maging ang ama nito ay kasama rin sa gumagaw nito sa kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalunos-lunos ang sinapit ng 5-anyos na bata sa kamay ng kanyang stepmom. Ang paslit, mistula nang buto at balat dahil sa pang-aabuso dito.

Ayon sa ulat, ang mga kapatid nito sa ama ang naging daan upang matuklasan ang sitwasyon ng bata.

Ayon sa batang si Cody at Allison na edad 16 at 14, nagulat daw sila nang minsang silipin ni Cody ang kapatid na si Jordan sa kwarto nito at makitang buto at balat na ang bata.

Isang maliit na tinapay lamang daw ang ibinibigay dito kada araw at kapag hindi ito nakain ng bata ay agad na binabawi dito.

Ikinukulong din daw ito sa aparador na tinawag na "Harry Potter room". At kapag may bisita ang pamilya ay ginagamitan pa daw ng droga ang kawawang bata upang magmukhang natutulog lang.

Sinusuotan daw ito ng diaper upang doon na dumumi. Puro sugat at pasa na rin daw ang katawan ng bata.

Lubog na ang pisngi nito sa kapayatan at nang minsan daw itong buhatin ng kapatid ay nagulat ito dahil parang wala daw itong karga sa sobrang gaan ng bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Palihim din umano itong pinapakain ng dalawang kapatid upang 'di mamatay sa gutom! At bumubula na rin daw ang bibig ng bata.

Ang masaklap pa, kasabwat din ang ama nito sa pang-aabuso sa kanya!

Nang maaresto ang mga ito dahil na rin sa pagsusumbong ng mga anak nila, hinatulan ng tatlumpong taong pagkabilanggo ang stepmom nito samantalang labinglimang taon naman na pagkakakulong ang hatol sa ama nito.

Naging daan din ito upang mapunta sa pangangalaga ng totoong ina ang batang si Jordan na ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.

Source: The Asianparent

Stepmom, kinulong at ginutom ang 5-anyos na bata na mistula nang buto't balat

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

Stepmom, kinulong at ginutom ang 5-anyos na bata na mistula nang buto't balat

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nanay, nagbabala tungkol sa heatstroke na naranasan ng kanyang bata pang anak

Nakakabahala! Dahil sa sobrang init 1 bata ang na-heatstroke

Nakakabahala! Dahil sa sobrang init 1 bata ang na-heatstroke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel