Manny Pacquiao, namigay pa raw ng grand raffle prize na 1M sa mga tao sa kanyang 40th birthday

Manny Pacquiao, namigay pa raw ng grand raffle prize na 1M sa mga tao sa kanyang 40th birthday

-Isa sa laman ng mga balita ngayon ay ang napaka-generous na 40th birthday celebration ni Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao

- Bukod pa raw sa pa-raffle na mga appliances, motorcycles, cars, at pickup trucks sa lahat ng mga tao na dumalo sa KCC Convention and Events Center sa General Santos City

- Nagbigay pa raw ng grand raffle prize na isang milyon si Manny sa mga tao na naghintay until the wee hours, ika pa nga sa balita

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinagdiwang nga ng Pambansang Kamao at Senador ng Pilipinas na si Manny Pacquiao ang kanyang ika-40th birthday noong December 17, sa taong ito, 2018.

Sa napag-alaman ng KAMI, bukod pa sa bonggang bonggang pa raffle ng mga appliances, motorcycles, cars, at pickup trucks sa lahat ng 10,000 ang mga bisita na dumalo umano sa kanyang selebrasyon sa KCC Convention and Events Center sa General Santos City, nagbigay pa ng isang milyon pa raw si Pacman sa mga nagtiyagang naghintay hanggang matapos ang kanyang selebrasyon.

Ayon pa sa PEP, kung saan una naming naispatan ang balitang ito:

"As for the grand raffle prize, Manny reportedly announced to 'give out another million pesos for everyone who waited till the wee hours.'"

Sa kanyang Instagram post sa naturang kaarawan niya, nagpasalamat si Manny Pacquiao sa lahat ng bumati sa kanya lalong lalo na sa Panginoon at sa kanyang mga pamilya at mga kaibigan at mga katrabaho at kanyang team at siyempre sa lahat ng kanyang mga fans sa buong mundo dahil kung wala daw sila ay walang Manny Pacquiao ngayon.

Ani ni Pacquiao:

"Thank you everyone for all the birthday wishes. You all made my 40th birthday so special and memorable. Thank you to my Lord and Savior Jesus Christ. Thank you to my family, my friends, my colleagues, my team, and all of my fans around the world. Without all of you, there would not be a Manny Pacquiao."

At sa huli ay inimbitahn niya ang lahat sa first fight niya bilang isang 40-year-old boxer sa January 19.

"Watch out for my first fight as a 40 year old on January 19! #PacquiaoBroner"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Scarlet Snow Belo shows off her version of Catriona Gray's slow-mo twirl

Scarlet Snow Belo shows off her version of Catriona Gray's slow-mo twirl

Scarlet Snow Belo wows the netizens with her excellent version of Catriona Gray's slow-mo twirl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel