Miss Spain Angela Ponce, naglabas ng saloobin sa pagkakapanalo ni Catriona Gray

Miss Spain Angela Ponce, naglabas ng saloobin sa pagkakapanalo ni Catriona Gray

- Kinoronahan noong December 17 si Catriona Gray bilang bagong Miss Universe

- Dahil dito ay naglabas ng kaniyang opinyon si Miss Spain Angela Ponce

- Agad namang sinagot ni Catriona ang tweet ng Latina beauty queen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi rin nagpatinag sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 ang trending na pambato ng Spain na si Angela Ponce.

Nalaman ng KAMI na gamit ang social media ay naglabas ng saloobin ang first transgender woman na nakatapak sa stage ng nasabing pageant.

Una nang ipinahayag ng Latina beauty queen ang kaniyang pagbati kay Catriona at masaya daw siya para sa kaniyang itinuturing na kapatid dahil sa tagumpay nito.

Inamin pa niya na tunay na napakaganda ng pambato ng Pilipinas at mabait din ito lalo pa noong magkasama sila sa Thailand para sa kompetisyon.

Sa kaniyang mensahe ay hindi rin nakalimutan ni Miss Spain na pasalamatan ang lahat ng kaniyang mga taga-suporta sa Pilipinas.

“Yes I am happy sister Catriona Gray. Congrats Philippines, our new Miss Universe. She is beautiful, she is a very kind girl. I'm very happy for you Cat,” pahayag ni Angela.

“I love you Philippines and all my fans that always support me,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa kaniyang sweet na mensahe ay nagkomento ang bagong Miss Universe at sinabing mahal din niya si Miss Spain.

Ipinahayag din ni Catriona na palagi niyang rerespetuhin si Angela at ang buong LGBTQ+ community.

“We love you too Miss Spain!! A big respect for lgbtq from us!!” saad ng Pinay beauty queen.

Narito naman ang naging komento ng mga netizens tungkol sa mensaheng ipinadala ni Angela:

“Awww this makes my heart and a lot of brothers and sisters in our country full. We love you, Angela and thank you for bringing our rainbow flag to the universe! We are so proud of you!”

“We love you Miss Angela!!! Thank you for enlightening the universe how it is to be a LGBTQ. People need to understand that we also need respect and we are also human. Mabuhay ka! Viva Espanya!”

“We love you more Miss Angela.. The LGBTQ Philippines is so proud of you.”

Matatandaang noon pa man ay gusto nang makilala ni Catriona si Miss Spain dahil nais niyang malaman ang kwento at ang mga pagsubok nito bilang kauna-unahang transgender woman na sumali sa prestihiyosong pageant.

Tahasang sinabi ng Bicolana model na walang anumang problema para sa kaniya ang pagsali ni Angela dahil pareho lang naman silang pinili ng kani-kanilang bansa bilang tagapangatawan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nakuhanan ng video ang isang priceless moment ni Catriona at ng designer nito na si Mak Tumang matapos ang Coronation Night.

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian beauty queen at aktres na nag-uwi ng ika-apat na korona ng Miss Universe para sa Pilipinas.

POPULAR: Read more news about Catriona Gray!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Fans ni Kisses Delavin, emosyonal nang takasan ng dalaga ang mga marshals para ma meet lang sila

Fans ni Kisses Delavin, emosyonal nang takasan ng dalaga ang mga marshals para ma meet lang sila

Fans ni Kisses Delavin, emosyonal nang takasan ng dalaga ang mga marshals para ma meet lang sila
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel