Pinay, nanalo ng P1 million matapos tanghaling 'UAE's Best Nanny'

Pinay, nanalo ng P1 million matapos tanghaling 'UAE's Best Nanny'

-P1 milyon ang tinanggap ng OFW na si Rosie Villa matapos mapanalunan ang Best Nanny award sa UAE

-Labing-pitong taon nang nagta-trabaho si Villa bilang OFW

-Isa daw sa paglalaanan niya ng premyo ay ang pag-aaral ng kanyang nag-iisang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa muling Filipino ang nanalo ng Best Nanny award sa UAE, kamakailan lang ay ang 39-anyos na si Rosie Villa ang itinanghal.

Isang milyong piso ang napanalunan ni Rosie!

“This money is a big support just at the time I needed it the most. Firstly, my daughter is about to start her college and this will secure her college fee,” Rosie shared.

“Secondly, my employer helped me set up a small grocery store in the Philippines for which I have to repay the loan. And lastly, I will use it to build a house for me and my daughter so that I can spend some quality time with her and give her back all the time I couldn’t be with her.”

Na-impress ang mga hurado kung paano niya inaalagaan ang mga pamilyang pinagsisilbihan kasabay ng pag-aalaga niya sa kanyang pamilya sa Pinas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Labing-pitong taon na siyang overseas Filipino worker (OFW) at plano pang magtrabaho hanggang sa kaya pa daw ng kanyang katawan sa kabila ng malaking halagang napanalunan.

Ilalaan umano niya ito para sa pag-aaral ng kanyang nag-iisang anak na magko-kolehiyo na at kukuha ng kursong BS Accountancy.

Nais rin umano niyang magpatayo ng bahay para sa kanya at sa anak niya na maaari niyang tirahan sa oras na siya ay magretiro na.

Babayaran din daw niya ang kanyang mga amo sa nahiram sa mga ito na ipinangpatayo ng tindahan nila sa Pinas.

Suportado naman daw siya ng amo nang makasali siya sa mga nominees ng UAE's Best Nanny.

Single parent si Villa pagkatapos silang iwan ng dating asawa. Laking pasalamat niya sa kanyang mga kapatid na siyang nag-aalaga sa kanyang anak at mga magulang.

Source: Buzzooks

Pinay, nanalo ng P1 million matapos tanghaling 'UAE's Best Nanny'

Photo source: Buzzooks
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Razorback drummer Brian Velasco’s life story before his tragic end

Razorback drummer Brian Velasco’s life story before his tragic end

Razorback drummer Brian Velasco’s life story before his tragic end
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel