Thirdy Ravena, siya raw ang ‘lucky charm’ ni Catriona Gray sa Miss Universe

Thirdy Ravena, siya raw ang ‘lucky charm’ ni Catriona Gray sa Miss Universe

- Sabi ni Thirdy Ravena, siya raw ang “lucky charm” ni Catriona Gray sa Miss Universe

- Pero giit niya ay “joke” lang daw ito

- Umani naman ng batikos sa netizens ang social media post ni Ravena na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinahayag ng Blue Eagles player at UAAP Season 81 Finals MVP na si Thirdy Ravena sa social media ang kanyang opinyon sa pagkapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018. Nalaman ng KAMI na pabirong sabi ni Ravena na siya umano ang “lucky charm” ni Catriona sa Miss Universe.

Ayon sa tweet ni Ravena, noong naging judge ang kanyang kuya Kiefer Ravena sa Binibining Pilipinas noon ay binoto nito si Pia Wurtzbach at naging matagumpay ang beauty queen sa Miss Universe 2015.

Dagdag niya pa, noong siya naman ang naging judge sa Binibining Pilipinas kamakailan lang ay binoto niya si Catriona at “sana” yun na raw ang “swerte” para kay Catriona.

Tila hindi naman ikinatuwa ng lahat ang biro ni Ravena sa social media at agad siyang binatikos ng mga netizens. Kaya naman may sagot si Ravena sa mga ito.

Ayon sa balita ng Rappler ay para kay Ravena, si Catriona ang pinakahandang kandidata sa Miss Universe.

"It was well-deserved. She is the most prepared candidate for me in Miss Universe. Like you really saw everything in her and you see how prepared she was, how confident she was that you could tell that she really deserved everything she’s getting right now," giit ni Ravena.

Para rin sa kanya ay wala namang masama sa pagiging “lucky charm”.

"With in terms of people thinking that I was the reason, it’s a joke," sabi ni Ravena.

"Lucky charm lang. There’s nothing wrong with being a lucky charm,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, narito naman ang mga tweets ng mga netizens ayon sa balita ng GMA News:

Samantala, una namang naibalita ng KAMI na sinagot na ni Ravena ang katotohanan sa kung ano ba ang namamagitan sa kanila ng Lady Blue Eagles player na si Bea de Leon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Christine Lee Silawan brought to her final resting place

Christine Lee Silawan finally laid to rest in Cebu, a thousand mourners grieved with family

Christine Lee Silawan finally laid to rest in Cebu, a thousand mourners grieved with family
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel