Kasambahay nagtago ng lalaki sa kwarto, amo nito nawindang nang madiskubre ito

Kasambahay nagtago ng lalaki sa kwarto, amo nito nawindang nang madiskubre ito

-Gulat at takot ang naramdaman ng 78-amyos na babae nang madiskubreng may nagtatagong lalaki sa ilalim ng kama ng kanilang kasambahay

-Nagising umano ito sa mga kahol ng aso

-Kaya nang malaman ang dahilan ay agad itong tumawag ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagising umano ang 78-anyos na babae dahil sa kahol ng kanilang aso isang hatinggabi. Ngunit laking gulat niya nang madiskubreng may isang lalaking 'di nila kilala ang nagtatago sa ilalim ng kama ng kanilang kasambahay.

Ngunit wala sa kwarto ang kanilang kasambahay.

Sa takot, agad itong tumawag ng tulong. Tinawagan nito ang anak at ang asawa nito na agad namang dumating.

Agad na ini-lock ng mga ito ang lalaki sa loob ng kwarto. Narinig pa umano nila itong tumawag ng tulong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inireport ng pamilya ang insidente at nang dumating ang mga awtoridad ay inamin ng lalaki na inimbitahan siya ng kasambahay ng mga ito.

Ngunit itinanggi naman ito ng kasambahay ng pamilya na naglilingkod pa lamang sa kanila sa loob ng anim na linggo.

Dahil na rin sa imbestigasyon at mga patunay na hindi ito pwersahang pumasok o nanloob ay pinalaya din ang lalaki.

Agad naman sinibak ang kasambahay.

Source: The Asianparent

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4 bagay na dapat gawin 'pag gising sa umaga, ayon kay Doc Willie Ong

4 bagay na dapat gawin 'pag gising sa umaga, ayon kay Doc Willie Ong

4 bagay na dapat gawin 'pag gising sa umaga, ayon kay Doc Willie Ong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel