Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

- Hindi napigilang maiyak ng pamilya at malalapit na kaibigan nina Lotlot de Leon at Fadi El Soury nang inihayag ng dalawa ang kanilang wedding vows

- Makikita sa ibinahaging video na parehas nilang itinuturing na sagot sa kanilang dasal ang kanilang pagmamahalan

- Ikinasal sila sa isang private garden wedding ceremony sa Batangas nitong Lunes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emosyonal ang ngayo'y mag-asawa nang sina Lotlot de Leon at ang kanyang long-time partner, Lebanese businessman na si Fadi El Soury nang ihayag nila ang kanilang wedding vows sa harap ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan. Nagganap ang kasalan sa isang private garden wedding ceremony sa Batangas nitong Lunes.

Sa Youtube video na ibinahagi ng YouTube channel ni Allan Diones, makikita ang pagbibigay nila ng kanilang mensahe sa isa't-isa na punong-puno ng pagmamahal.

Ayon pa sa aktres, takot siyang umibig muli ngunit napawi iyon dahil sa pagpupursige ni Fadi.

“There have been so many things that have happened to my life before I met you, which I have learned from. I was scared to really fall in love again, and to even allow someone to be part of my life. But you were just persistent. You didn’t want to let me be. And I thank you for that.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pigil ang kanyang emosyon, inihayag ni Lotlot ang kanyang pinagdaanan bago ito dumating sa buhay niya.

“I have prayed so many times, over and over, and very hard, for God to fix the things that I couldn’t fix. But when I just lifted it all up, everything started falling into place, and then you came along.

Pinasalamatan niya din ito dahil sa pagpapasaya sa kanya.

“Thank you for not making me feel alone when I’m sad. Thank you for putting a smile on my face all the time, and making sure that I am OK. Thank you for being there. Thank you for choosing to be with me. I love you, Fadi.”

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing kasal ay ang ama ni Lotlot na si Christopher de Leon, kapatid na si Matet de Leon at pati na rin ang napapabalitang boyfriend ngayon ng anak na si Janine, si Rayver Cruz.

Tila naman hindi nakarating si Nora Aunor. Inihayag ni Lotlot na umaasa daw siyang makakadalo ang ina bago paman dumating ang araw ng kanilang kasal.

Si Lotlot de Leon ay 47 taong gulang na aktres na nauna na ring ikinasal kay Ramon Christopher Gutierrez at nagkaroon sila ng apat na anak kabilang na si Janine.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

I Am In Love With A Married Man Having 3 Kids | HumanMeter

Kami received a message from a netizen seeking advice. She is in love with a married man twice her age, with 3 kids. He is ready to leave his wife for her. She doesn't know what to do in this situation.

Click “Play” and find out the what these people have to say regarding the sender's situation.

Source: Kami.com.ph

Related news
20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook

20-year-old son takes mom's jewelries and gives it to his Facebook girlfriend

20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel