Netizens, nagreact sa patikim ni Iza Calzado sa kanyang pre-wedding day

Netizens, nagreact sa patikim ni Iza Calzado sa kanyang pre-wedding day

- Nagbigay ng patikim ang soon-to-be Mrs. Wintle na si Iza Calzado sa kanyang mahigit 1 million followers sa kanyang social media account sa kanyang pre-wedding day

- Sa mga naunang balita, ipinahayag ng kanyang talent manager ang kasal ng kanyang alaga sa Booky Boss beau nito na si Ben Wintle ilang oras nalang mula ngayon

- Kaugnay rito, nagbigay ng pasilip si Iza sa kanilang pre-wedding day photo shoot na talaga namang pinag-uusapan ng mga netizens online

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang Instagram post ng Ngayon at Kailanman actress na si Iza Calzado na magiging Mrs. Wintle na ilang oras mula ngayon ang isang pasilip o patikim sa kanyang big day.

Makikita sa naturang post si Iza Calzado at si Ben Wintle nasa ilalim ng dagat na parehong naka-white na pang swimming attire at nilagyan ito ng caption ng aktres na:

"Can’t wait to begin this adventure with you my love @benmwintle"

Sa nasabing post, makikita rin ang lugar kung saan ito ginanap, na amin ding napag-alaman na tila ito rin ang lugar kung saan gaganapin ang wedding day ng soon-to-be Mr. and Mrs. Wintle na sina Iza Calzado at Ben Wintle.

Bumuhos ang samu't saring reaksyon sa patikim o pasilip ni Iza sa kanyang IG.

"Napakaganda! Congratulations Iza and Ben!"
"Wow ang sweet naman"
"Sweet nila nilalamgam ako"
"Kaya pLa comatose si ms rebecca sa nagayon at kailanman charot enjoy po"
"And we all all all cannot wait to see you tie the knot! Love, support and excitement we feel for you and your soon husband!"
"Panalo this shot!"
"Omaygadd ang perfect naman ng shot na to!! "
"aww perfect shot for a perfect couple! "

Kamakailan lang ay ibinahagi namin ang barrio fiesta theme sa welcome dinner ng soon-to-be Mr. and Mrs. Wintle at nagpakitang gilas sa sayawan pa ang dalawa na sina Iza Calzado at Ben Wintle para batiin at i-welcome ang kanilang mga piling bisita sa kanilang kasal, ilang oras na lang mula ngayon.

POPULAR: Read more news about Iza Calzado here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel