Lalaki kumukupkop ng askal, nakatanggap ng maagang pamasko sa mga estranghero

Lalaki kumukupkop ng askal, nakatanggap ng maagang pamasko sa mga estranghero

-Napaiyak na lamang ang lalaking kumukupkop ng mga askal sa mga regalong natanggap mula sa isang estranghero

-Ayon sa babae, na-touch siya sa pagmamahal na ipinapakita nito para sa mga kawawang aso

-Kaya naman sa tulong ng Lazada, hindi nabigo ang babae sa kanyang maagang aginaldo para kay tatay Boyet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaiyak na lamang si tatay Boyet nang malamang may hatid na tulong para sa kanya at sa mga alagang aso ang isang estranghero na naka-spot sa kanya.

Si Ran ang may mabuting loob na nakakita kay tatay Boyet na may dala-dalang kariton na may mga aso. Ang mga asong ito ay mga askal na kinukupkop ni tatay Boyet at itinuturing na anak.

Dahil dito naantig ang loob ni Ran kaya naman gumawa siya ng paraan upang matulungan ito sa pamamagitan ng social media.

Hindi naman nabigo si Ran lalo pa at isa ang Lazada sa mga tumulong para mapagbigyan ang kanyang hiling.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman binalikan niya ang lugar kung saan niya nakita si tatay Boyet at natagpuan ito sa Aurora Boulevard.

Hindi naman mapantayan ang saya sa mga mata nito at ng asawa sa mga regalong natanggap. Nakakatuwang makita na ang una talaga nitong napansin ay ang mga gamit para sa kanyang mga mahal na alaga.

Nakatutuwang isipin na mula kay tatay Boyet na nagmahal at nag-alaga sa mga askal sa kabila ng kanyang kakapusan, kay Ran na nagmagandang-loob sa isang tao na hindi niya lubos na kilala at sa mga taong tumulong para maisakatuparan ang maliit na hiling ni Ran, makikita ang diwa ng Pasko sa ating mga Pinoy.

Mula sa KAMI, mabuhay po kayong lahat!

Source: Lazada FB page

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lodi! Larawan ng bilyonaryong si Bill Gates sa pagpila sa fast food, nag-viral

Lodi! Larawan ng bilyonaryong si Bill Gates sa pagpila sa fast food, nag-viral

Larawan ng bilyonaryong si Bill Gates sa pagpila sa fast food, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel