OFW sa Hong Kong na ipinagamit ang passport sa iba para maka-utang, sinibak

OFW sa Hong Kong na ipinagamit ang passport sa iba para maka-utang, sinibak

-Sampung taon nang nanilbihan ang Pinay na OFW sa isang pamilya sa Hong Kong ngunit sinibak pa rin ito ng amo

-Ang dahilan, nalaman ng amo nito na ipinagamit ng Pinay ang kanyang passport sa iba para makapangutang

-Nakarating na rin sa PH Consulate ang nangyari sa OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinibak na sa trabaho ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong matapos ang sampung taong paninilbihan sa kanyang mga amo.

Ito ay sa kadahilanang ipinagamit umano nito ang passport sa isang miyembro ng pamilya ng kanyang amo para makapag-loan.

Ngunit hindi umano nakabayad ang kamag-anak ng kanyang amo kaya naman siya ang hinabol ng lending company.

Dumulog ang Pinay sa Philippine Consulate at doon napagkasunduan ng OFW at ng kolektor ng kompanya na magbabayad ito ng installment.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nangako rin ang Philippine Consulate na imo-monitor ang kaso.

Ngunit makalipas ang isang buwan ay hindi nakabayad ang Pinay sa napakasunduan nila dahilan para tumawag na ang ang kompanya sa amo nito.

Nang malaman ng kanyang amo ang nangyari, agad nitong sinibak ang Pinay sa kabila ng mga taong paglilingkod nito sa kanila.

Source: Kwentong OFW

OFW sa Hong Kong na ipinagamit ang passport sa iba para maka-utang, sinibak

Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jelai Andres lashes back at Toni Fowler over the latter's Facebook live

Jelai Andres reacts to Toni Fowler's Facebook live video

Jelai Andres reacts to Toni Fowler's Facebook live video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel