Dahil puro daw reklamo sa mga tricycle driver, 1 sa kanila nag-alok ng free ride

Dahil puro daw reklamo sa mga tricycle driver, 1 sa kanila nag-alok ng free ride

-Dahil daw sa sari-saring reklamo laban sa mga tricycle driver sa Tuguegarao City, isa sa kanila nag-alok ng free ride

-Niliwanag naman ng tricycle driver na ginawa niya ito para matabunan ang pangit na imahe ng mga katulad niyang driver

-Hindi rin naman daw siya isa sa mga ito at nais lang na makatulong sa iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sandamakmak na nga raw ang reklamo laban sa mga tricycle driver na buma-byahe sa Tuguegarao City.

Kaya naman isa sa kanila, naka-isip ng isang gimik upang maibsan kahit paano ang pangit na imahe ng mga katulad niya.

Nag-alok ang 47-anyos na si Roland Pagauisan ng libreng sakay sa kanyang tricycle sa loob ng isang araw.

Naitampok pa siya sa DZGR Bombo Radyo Tuguegarao.

“Nag-isip ako ng magandang gawin kasi puro na lang reklamo gaya ng overcharging, capacity, may mga tricycle driver na inirereklamo ng pang-aabuso at kung anu-anong reklamo sa mga tricycle dito sa Tuguegarao eh siyempre kahit hindi ako ang gumawa ay apektado ako.

Nagpasya ako na mag-offer ng free ride sa buong araw kong pamamasada para kahit kunti lang ang nagawa ko at least matabunan ko lang ang pangit na imahe namin bilang isang tricycle driver.” anito.

Kaya naman umani ng mga papuri si Roland sa kanyang kabutihan mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Jaylou Cambri: "Dapat pasahero din mag isip di lng mga driver..may mga pasahero rin sasakay kuripot na at demanding pa...mamang driver dapat yung isakay mo diyan yung mga pasahero mong reklamador at kuripot di alam ang hirap ng isang tricycle driver...saludo ako sau."

Juna Mae Q. Fabian: "SANA ALL" pero nag-iisa ka kuya very proud ako sa iyo... Isa kang pangtanggal problema sa lipunan. Hindi ka lamang tricycle driver dahil isa kang dakilang mamamayan na may pagmamalasakit at pagmamahal sa nararamdaman ng bawat pasahero. Nawa'y magsilbing aral ito sa kapwa mo tricycle driver. At biyayaan ka ng lubos ng poong maykapal. SALUDO AKO SAYO!"

Kurt Palatan: "Basta taga carig matipunu hahahahhaha saludo ako sau manung.. Dbiro ang umuwe ng walang kinita pero napaka daming natulungan."

Kim Jong Goo: "Maganda yang ginawa mo Sir Driver pero kung nag iisa ka lang na gumagawa ng ganyan at hindi naman pinapamarisan ng ibang driver ang maganda mong hangarin eh mapupunta lang sa wala ang ganyan. Pero good job parin sa naisip mo."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Mommy, agaw-pansin ang ganda

Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Mommy, agaw-pansin ang ganda

Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Mommy, agaw-pansin ang ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel