Nakakaiyak naman! Lolo, pinandirihan daw dahil sa makalat na pagkain

Nakakaiyak naman! Lolo, pinandirihan daw dahil sa makalat na pagkain

-Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang naging karanasan na nagmulat sa kanya sa para mas maging mabuting kapwa

-Sa isang branch ng Jollibee niya nakilala ang isang matandang lalaki na pinandirihan daw ng isang babaeng customer dahil sa makalat na pagkain

-Ngunit sa kabila nito ay mga pusong mas nangibabaw ang pagiging mabuti

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Habang kumakain sa isang branch ng Jollibee, napukaw daw ang atensyon ng netizen na si Gelica Manuel Talauan sa isa sa mga kasabay na customer.

"Ano ba 'yan?! Ang baboy!" anito.

Sa isang shared table sila kumakain at sa harap nila ay isang makalat na pinagkainan na ayon sa deskripsyon ng babae ay parang "kanin-baboy".

Tila hindi nito makayanan na makita o kumain dahil sa nakikita. At ayon din kay Gelica ay totoo ngang makalat.

Nang tila hindi na matiis ng babae ay tumawag ito ng isang crew ng nasabing fast food at ipinaligpit ang "makalat" na pinagkainan.

Ngunit sa halip na agad itong ligpitin ay nagpaalam sandali ang crew upang pumunta sa restroom.

Pagbalik nito ay sinabi sa babae na hindi pa raw tapos ang kumamakin doon

Doon na napansin ni Gelica ang isang matandang lalaki na galing sa rest room na pinuntahan ng crew.

Agad naman daw nagpalipat ang babae sa ibang lugar ngunit nag-iwan pa ito ng ilang salita na nakapagpalingon sa ibang customer.

"Hay naku! Pakilipat na lang ako dun sa isang table! Nakakasuka talaga!"

Wala namang kamalay-malay ang matanda sa nagyari ngunit tila nagulo ang isipan nito dahil sa paglipat ng babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napansin na rin ni Gelica kung bakit makalat ang pinagkainan ng matanda, nanginginig ang mga kamay nito.

Maya-maya'y tinanong siya nito kung bakit lumipat ang babae, hindi niya kayang sabihin dito ang dahilan kaya naman sinabi na lang niyang hindi niya alam.

Ngunit tila nag-alala talaga ito dahil ilang minuto lang ay ang crew naman ang tinanong nito.

At tila hindi rin nito kayang sabihin ang totoo. Sinabi na lamang nito na nainitan lamang ang babae.

Naniwala naman ang matanda at para bang gumaan ang loob nang sabihin dito na dahil lamang mainit kaya lumipat ang babae.

Nagkaroon ng pagkakataon si Gelica na makilala ang matanda, si lolo Nestor at 66-anyos na ito.

Dating guro sa Bicol at ngayon ay naninirahan na lang mag-isa. Ang kanyang mga kinakain ay mula daw sa tira-tira ng isang simbahan.

Madalas daw siyang kumain sa Jollibee dahil kilala na siya ng mga staff doon at pinahihiram pa siya ng plato, kutsara at tinidor at binibigyan pa siya ng tubig kahit pa hindi naman siya bumibili ng kahit na ano doon.

Sa kanilang sandaling pag-uusap nakita niya kung paanong nagliwanag ang mukha ni lolo Nestor. Tila ba sabik sa kausap ang matanda.

Dahil dito, nagpasya siyang manatili sandali upang makausap pa ito at hinayaan itong magkwento.

Anito, ang simpleng mga bagay tulad ng ginawa ng crew ng Jollibee o ang simpleng pakikipag-usap lamang sa matanda ay malaking bagay na upang matulungan ito.

Minsan nakakalimutan nating lahat na tignan ang bawat istorya sa loob ng ating kapwa at madalas na panlabas o ang mga gawa lamang ang ating nakikita kung kaya madali para sa atin ang humusga.

Para kay Gelica, salamat sa oras na inilaan mo kay lolo Nestor. At maging ang mga crew sa Jollibee na ito, saludo kami sa inyong pakikipagkapwa-tao!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Buntis na kumuha ng physician licensure exam, nanganak ilang minuto matapos ang exam

Buntis na kumuha ng physician licensure exam, nanganak ilang minuto matapos ang test

Buntis na kumuha ng physician licensure exam, nanganak ilang minuto matapos ang test
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel