Fan na fan talaga sila! Mga mumshies, agad pinangalanan ang mga anak nila ng ‘Catriona’

Fan na fan talaga sila! Mga mumshies, agad pinangalanan ang mga anak nila ng ‘Catriona’

- Ipinakita ng ibang mga mommies na fan na fan talaga sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

- Ilan nga sakanila ay sinunod ang pangalan ni Catriona para sa mga anak nila

- Naging viral ang isang birth certificate na tila pinangalanan ng isang ina ang anak niya ng “Catriona Gray” mismo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang mga bagong panganak na mga nana yang sinunod ang pangalan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga babies nila. Nalaman ng KAMI na bago pa man sumalang sa Miss Universe si Catriona ay ipinangalan na nila agad ito sa anak nila.

Ayon sa balita ng GMA News ay noong December 16 ay nanganak si Mommy Alfa, isang araw bago ang Miss Universe, pinangalanan na niya itong ‘Catriona’.

"Manalo man siya o matalo, Catriona pa rin ang pangalan ng anak ko," sabi ni Mommy Alfa.

"Kasi nga po idol ko nga," dagdag niya pa.

Ayon kay Dr. Antoinette Pacapac, spokesperson ng Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila, inaasahan nilang mas dadami pa ang mga baby na ipapangalan kay Catriona dahil sa kanyang tagumpay kamakailan lang. Sabi rin ni Dr. Pacapac na noong nanalo si Catriona sa Binibining Pilipinas-Universe ay may mga ipinangalan na ring baby katulad sa kanya.

Isang mommy din ang nagpangalan sa anak niya na Mikaila Catriona 9 na araw bago ang Miss Universe.

“Wooh, nanalo anak ko! Nagtatatalon siya na na-justify ko raw na nanalo daw yung Catriona, 'pag tinanong siya paglaki niya kung bakit Catriona yung pangalan niya, kasi ni-name siya ng mommy niya sa Miss Universe nu'ng 2018,” giit ni Mommy Mary Christine Joy.

Samantala, si Mommy Jennifer Loirca naman ay pinangalanan ang anak niyang Catriona Kate 4 na buwan bago ang Miss Universe. Noong una raw ay dapat Pia ipapangalanan nila mula kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Subalit, naisip nilang isunod na lang ang pangalan sa kandidata ngayong taon.

Sa balita naman ng Philippine Star ay naging viral ang Birth Certificate na talagang sinunod ang pangalang “Catriona Gray” sa Davao del Sur ayon sa post ng netizen na si Milo Garcia.

Tila iba-iba naman ang reaksyon ng mga netizens sa nangyaring ito. Narito ang ilang komento nila sa Facebook page ng Philippine Star:

“There's nothing wrong about that.. Pinangalan lang nmn.”

“Wala kayong originality, siguraduhin lang na kasing ganda ni Catriona yung baby nyo na isunod sa pangalan para miss Univ din ang dating.”

“tapos paglaki niya pang miss barangay”

“Mga Pilipino nga talaga iba magisip. Kung ano ang sikat ay siyang ipinapangalan sa Bata, tunay man o palayaw lang. Mga halimbawa mga Sikat na Celebrities, Bagyo, mga Bagay at pati na mga Hayop. Lalo na sa mga Cartoons at Anime. Kaya pag laki o pag tanda na ng Bata eh niloloko at pinagtatawanan. Pero buhay nyo yan at ano ba naman ang pakialam ko, mga Baliw!”

Naiulat naman ng KAMI na tila binatikos ng ilang netizens ang naging sagot ni Catriona sa Q&A ukol sa kahirapan. Giit ng netizens ay tila rinomanticize ni Catriona ang kahirapan sa bansa.

Si Catriona Gray ang ika-4 na Pilipinang nag-uwi ng korona mula sa Miss Universe.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anne Curtis breaks down in front of audience during concert goes viral

Video of Anne Curtis breaking down in front of audience during concert goes viral

Video of Anne Curtis breaking down in front of audience during concert goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel