Miss World Organization, nagsalita tungkol sa pagiging Miss Universe ni Catriona Gray

Miss World Organization, nagsalita tungkol sa pagiging Miss Universe ni Catriona Gray

- Nagbigay na ng pahayag ang Miss World Organization sa bagong achievement ni Catriona Gray

- Itinanghal na Miss Universe 2018 ang pambato ng Pilipinas

- Noong 2016 ay sumali din si Catriona sa Miss World ngunit nabigong manalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas na ng opinyon ang Miss World Organization tungkol sa pagkakapanalo ng pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray sa prestihiyosong Miss Universe 2018.

Nalaman ng KAMI na noong 2016 ay sumali ang nasabing beauty queen sa Miss World ngunit hindi ito pinalad na makuha ang korona bagama’t nakaabot sa Top 5.

Ang hindi pagkakapanalo ni Catriona dalawang taon na ang nakalilipas ay nagdulot ng kontrobersiya at samu’t-saring batikos dahil obvious naman daw na mas maganda ang naging sagot nito kumpara kay Miss Puerto Rico na siyang kinoronahan.

At ngayong nasungkit ng Pinay beauty queen ang pinag-aagawang Miss Universe title, agad na nagbigay ng saloobin ukol dito ang Miss World Organization.

Sinumulan ng nasabing pageant ang kaniyang mensahe sa pamamagitan ng pag-congratulate sa dalaga sa panibagong karangalan na nakamit nito.

Maganda rin daw ang naging performance ni Catriona kaya tama lang na siya ang manalo sa isa sa mga pinaka-sikat na pageant sa universe.

“Well done Catriona!” ayon sa Facebook post.

“Congratulations from all of us at Miss World to Catriona Gray on being elected Miss Universe 2018!!” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa pagpapatuloy ng mensahe ay sinariwa ng Miss World ang naging laban at proyekto noon ni Catriona kaya siya napabilang sa mga finalists.

Sinabi nito na marami ang humanga at napamahal sa kandidata ng Pilipinas dahil sa kabutihan ng puso nito lalo na noong ginawa niya ang Smokey Mountain Beauty With A Purpose project.

Sa katunayan nga daw ay ang nasabing proyekto ni Catriona ay isa sa mga napili noon bilang pinaka-maganda sa lahat ng mga nai-propose ng ibang kandidata.

“Catriona was a Miss World Top 5 finalist and her Beauty With A Purpose Project was selected as one of the winning projects for a special visit during Miss World 2016. We are delighted to see her win the Miss Universe crown,” mensahe pa ng pageant organization.

“Catriona’s brilliant Smokey Mountain Beauty With A purpose project captured all our hearts and it revealed her dedicated vision to support the most vulnerable in our society,” dagdag nito.

Sa huli ay ipinaabot ng Miss World Organization sa Miss Universe na mayroon silang mabuting beauty queen dahil sa pagkakapanalo ng Philippines’ bet.

“Miss Universe organisation you have a great winner!” pagtatapos ng post.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, naluha ang netizens sa madamdaming pagkikita ni Catriona at ang designer nito na si Mak Tumang matapos lamang koronahan ang pambato ng Pilipinas.

Si Catriona Gray ay isa sa mga paboritong manalo sa kompetitsyon bago pa man ang Coronation Night nito sa Bangkok, Thailand. Siya na ang ika-apat na Miss Universe mula sa Pilipinas.

POPULAR: Read more news about Catriona Gray!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Aicelle Santos and Mark Zambrano's heartwarming pre-wedding photos

Aicelle Santos and Mark Zambrano's lovely pre-wedding photos

Aicelle Santos and Mark Zambrano's lovely pre-wedding photos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel