Isa na namang event organizer, naglaho di umano sa mismong araw ng kasal

Isa na namang event organizer, naglaho di umano sa mismong araw ng kasal

- Isa na namang wedding planner ang di sumipot sa mismong kasal ng kliyente niya

- Di ito ang unang pagkakataon na mayroong ganitong kaso at tila dumarami na ganitong modus

- Sa presinto na dumiretso ang mga nagreklamong bagong kasal na naka-coat at naka-gown pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masamang masama ang loob ng bagong kasal na sina Stepahanie at Mark Ryan dahil sa pagkawala ng kanilang event stylist sa mismong araw ng kanilang kasal.

Ayon sa GMA news, dumiretso ng presinto at doon nagreklamo ang mag-asawa na nakasuot pa ng damit nilang pangkasal.

Kinilala ang event stylist na si Rennan Jamito na nakilala lamang ng bagong kasal sa paghahanap nila ng pwedeng maging wedding organizer sa internet.

Talaga raw naging disaster ang dapat na dream wedding nila na isang beses lang mangyayari sa buhay nilang mag-asawa.

Walang mga bulaklak sa venue, wala manlang backdrop malapit sa uupuan ng bagong kasal At marami pang ibang di nasunod sa kasunduan nila ng event planner.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman nang matapos ang kasal, sumakay na ng wedding car ang bride at doon na nilabas ang saloobin at humagulhol.

Parehong OFW sina Mark at Stepahnie kaya naman online lang sila naghanap ng event planner. Ang mga magulang ng bagong kasal ang siyang nakipagkita kay Rennan nang humingi ito ng down payment na P115,000.

Nang mabayaran na ng mag-asawa ang organizer sa halagang P80,000, di na nila muli ito makontak. Ang masaklap, di na rin nila ito sinipot sa mismong araw ng kasal.

Nahaharap sa kasong estafa si Jamito ngunit magpasahanggang ngayon ay di pa rin ito matunton.

Nagpaalala ang pulisya na huwag basta-basta magtiwala sa mga events organizer online dahil tila dumarami na ang kaso ng panloloko lalo na sa mga ikakasal na naglalabas talaga ng malking pera para sa mahalagang araw nila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel