Pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss U, nakita na ng isang psychic noon pang 2016

Pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss U, nakita na ng isang psychic noon pang 2016

- Muling lumabas ang prediksyon ni Psychic Gurmeet noong 2015 nang manalo kahapon si ang pambato ng Pinas sa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray

- Nilathala ang pangitain noong 2016 dalawang buwan bago pa sumalang si Catriona sa Miss World 2016

- Sa prediksyon, masasabing si Catriona ang kandidata na tinutukoy sa Miss World na 'di pa niya oras upang manalo ng korona' na sinasabi namang ngayon, kung saan nasungkit na niya ang Miss Universe title

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kaliwa't kanan ngayon ang balita patungkol sa bagong hirang na Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Isa na rito ang nakakikilabot na prediksyon ng isang psychic kung saan pinaniniwalaang si Catriona pala ang tinutukoy nito na kandidata sa Miss World na 'di pa oras para manalo ng titulo.'

Binahagi ng netizen na si Khalil John Lanzona Busa at bahagi ng predikyon ni Psychic Gurmeet mula sa website nito na fearlessprediction.blogspot.com

Ayon sa prediksyon na nilathala Oktubre ng 2016, isa raw sa mga kandidata ng gaganapin pa lamang noon na MIss World 2016 ang may pleasing personality na inaakala niyang mananalo siya ngunit di pa ito ang takdang oras upang masungkit niya ang korona at hindi rin sa patimpalak na iyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kung maalala, kinatawan rin ni Catriona Gray ang ating bansa sa Miss World 2016 ngunit di siya pinalad na manalo.

Dahil dito, labis na kinilabutan ang mga nakabasa ng prediksyon ni psychic Gurmeet at agad nilang naisip na si Catriona ang tinutukoy nito sa prediksyon nito sa Miss World 2016.

May pleasing personality si Catriona at halos lahat ng magagandang katangian ng isang beauty queen ay nasa kanya niya. Lumipas ang dalawang taon at nakuha nga niya ang korona sa ibang paligsahan at ito ay ang Miss Universe 2018.

Sa isa pa ring prediksyon ni psychic Gurmeet, nabanggit nito na ang mananalo sa Miss Universe ay magmumula sa bansang malapit sa Pacific Ocean. Isa rin ito sa bansang sentro ng atraksyon at atensyon sa mundo. Dagdag pa nito, mula raw sa entertainment industry ang mananalo.

Lahat halos ng ito ay tumugma sa pagkatao ni Catriona. Totoo man o hindi ang mga pangitaing ito, malaki ang pasasalamat ng bansang Pilipinas sa pagkapanalo ng ating pambato na nagtataglay ng magagandang katangian na nararapat lamang taglayin ng isang Miss Universe.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel