Catriona Gray, likas na matulungin, mabait at walang arte ayon sa mga taga-Tondo
- Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mga tinutukoy ni Miss Universe 2018 na mga taga Tondo na kanyang tinutulungan
- Pinatunayan ng mga ito na likas na mabait at matulungin at walang arte ang kanilang "Ate Cat"
- 2016 nang simulan ni Catriona Gray ang pagtulong sa mga taga-Tondo at di nila akalain na sila ang magiging inspirasyon nito sa final Q&A ng prestihiyosong pageant
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagbunyi ang mga taga-Tondo na tinutukoy ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray sa kanyang final Q&A.
Ayon sa panayam ng ABS-CBN news sa mga taga- Brgy. 105 sa Tondo, pakiramdam nila, sila rin ay nanalo tulad ng kanilang "ate Cat". Sila kasi ang special mention ng bagong hirang na Miss U.
Di nila akalain na sila ang paghuhugutan nito ng inspirasyon sa sagot na pinaniniwalaan ng marami na siyang nakapagpanalo kay Catriona.
Ayon kay Gerson Martin, isa sa mga beneficiary ng Young Focus, wala raw kaarte-arte ang kanilang ate Cat.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Dagdag pa ni Mark Soriano, pupunta raw si Catriona sa Tondo nang walang personal assistant, walang payong, walang mask, at kahit yakapin pa siya ng mga bata na taga roon, ok na ok raw ito sa kanya.
Doon, nakikita at nararamdaman nila ang 'genuine heart' ni Catriona at 'sincerity' nito na tumulong sa mga bata na taga-Tondo.
2016 nang mahanap ni Catriona Gray online ang organisasyon na Young Focus na tumutulong sa mga kabataan ng Tondo.
Mula nang matagpuan ni Catriona ang Young Focus, wala na siyang ibang iniisip kundi ang pagtulong sa mga kabataan ng Tondo.
Gumawa talaga ng paraan ang bagong Miss Universe upang makalikom ng pera para sa organisasyon. Nagpa-benefit concert siya at maging ang pagbebenta ng sarili niyang artworks ay ginawa niya para lamang sa Young Focus.
Ang dalawang palapag ng opisina ng Young Focus ay kulay gray. Magpasahanggang ngayon ay wala pa rin itong tigil sa pagtulong sa mga kabataan roon.
Kaya naman excited na ang mga taga-Tondo sa muling pagbabalik ng kanilang ate Cat na ngayon ay Miss Universe 2018.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!
Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh