Lalaking di pinasakay ng tren, nang-hostage ng bata sa labas ng PUP Manila

Lalaking di pinasakay ng tren, nang-hostage ng bata sa labas ng PUP Manila

- Namaril at nang hostage ang isang lalaki sa labas ng PUP campus

- Di raw umano pinasakay ng tren ang lalaking nakilalang si Dominador Abrillo dahil puno na

- Tuliro raw ito dahil sa dinamdam ang pagkamatay ng kapatid na OFW ngunit haharap parin ito sa patong patong na kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang hostage taking ang naganap matapos di pasakayin ang lalaki sa tren dahil puno na.

Ayon sa GMA news, nakilala ang suspek na si Dominador Abrillo na matapang na nang-agaw ng baril ng guwardiya ng PNR at namaril. Nasa apat na katao ang tinamaan at sugatan.

Matapos ito, nanghablot na ng isang batang 5 taong gulang na lalaki si Abrillo tinutukan na ito ng baril na hawak pa rin niya mula sa guwardiya.

Ayon pa sa Rappler, naganap mismo ito sa labas lamang ng PUP Sta. Mesa.

Tumagal din ng dalawang oras ang hostage taking at nang maubusan ng bala ang suspek, tuluyan na itong sumuko sa pulisya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pahayag ni Abrillo, bukod sa di pagpapasakay sa kanya sa tren, matindi raw ang kanyang pinagdadaanan sa buhay. Pumanaw ang kanyang kapatid na OFW na kababalik lamang ng bansa na labis niyang dinamdam. Napatay daw ito sa isang police operation kaugnay sa iligal na droga.

Samantala, ligtas naman na ang mga tinamaan ng pamamaril ni Abrillo maging ang bata na kanyang na-hostage ay di naman nasaktan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel