The man behind the famous comic "Pugad baboy"

The man behind the famous comic "Pugad baboy"

-Isa si Pol Medina Jr. sa mga kinikilala ang galing pagdating sa sining sa Pilipinas

-Siya ang nasa likod ng tagumpay ng sikat na comic story na Pugad baboy

-Ngunit dahil sa kanyang "bulgar" at kakaibang uri ng pagpapahayag, may mga panahon umanong siya ay nabatikos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Una daw nagpakita ng kanyang hilig sa sining ang batang si Pol Medina Jr. noong siya ay dalawang taon pa lamang.

Maaga rin niyang nadiskubre ang kanyang hilig sa pagdo-drawing.

Ngunit sa kanyang kakaibang paraan ng pagpapahayag, hindi niya agad nailabas ang kanyang galing at talento lalo pa at iyon ay panahon ng ni Marcos.

Isa siya sa mga hindi sang-ayon sa Martial law, “Unang nagalit ako nung kinancel niya yung Voltes V eh,” anito sa isang panayam.

Nagtapos ng kursong Arkitekto at nabase sa Iraq. Dahil sa homesick at lungkot, nagsimula niyang gawin ang Pugad baboy.

Nang magdesisyong umuwi mas pinili niyang sundin ang kanyang hilig sa pagdo-drawing.

“Nag-apply ako sa Inquirer, meron na lang isang strip dun na syndicated, yung Andy Capp, binabayaran nila ng dollars.

Tiyempo dumating ako. Sabi ni Jess [Abrera] sa akin ‘tamang tama dito ka sa baba [pointing to a slot in the paper] para lahat tayoPinoy.’ Sabi ko ‘ganun ba, sige xerox ko muna yan ipapakita ko sa [Manila] Bulletin.’”

Ngunit dahil mababa lamang ang sahod ng isang cartoonist, nagdesisyon siyang gamitin ang kanyang napag-aralan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naging matagumpay siya bilang isang arkitekto at ginampanan ito hanggang sa ma-realize niyang sapat na ito para sa kanya.

Muli niyang sinubok ang mundo ng cartoon. Noong mga panahong iyon ay may kaibigan siyang nag-aalok na ilathala ang Pugad baboy sa isang libro.

Ngunit dahil ilang porsyento lamang ang kinikita nila dahil sila ay may publisher, kinumbinsi siya ng kanyang asawa na sila mismo ang magpublish ng kanyang mga libro.

At hindi naman sila nabigo rito.

The man behind the famous "Pugad baboy" comic

Photo source: Esquire
Source: Facebook

At kahit pa maraming kritiko ang bumabatikos sa uri o paraan niya ng pagpapahayag gamit ang sining, hindi naman ito ganoong nakaapekto sa kanya.

“Umpisa pa lang hindi na naman ako wholesome eh,” anito.

Isa siya sa mga kinikilala sa Pilipinas pagdating sa sining. At payo nito sa mga kabataang nagnanais na maging katulad niya.

Palaging paghandaan ang pagbagsak at magplano para rito. I-enjoy ang talento at gumawa ng mga makatotohanang istorya at orihinal!

Source: Esquire

The man behind the famous "Pugad baboy" comic

Photo source: Esquire
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Netizens, nawindang sa beauty ni mommy

Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Mommy, agaw-pansin ang ganda

Jennylyn Mercado, nakipagbonding sa biological mom! Mommy, agaw-pansin ang ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel