‘Di napigilan! Sumabit ang silya sa kisame dahil sa pagbubunyi sa Miss Universe

‘Di napigilan! Sumabit ang silya sa kisame dahil sa pagbubunyi sa Miss Universe

- Halos lahat ng Pilipino ay inantabayanan ang Miss Universe 2018

- Kaya naman iba-iba rin ang naging reaksyon ng mga Pinoy sa pagkapanalo ni Catriona Gray

- Katulad na nga lang ng isang silyang sumabit sa kisame dahil sa sobrang galak sa tagumpay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila iba-iba nga ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa tagumpay na nangyari kay Catriona Gray ngayon sa Miss Universe 2018. Nalaman ng KAMI na isang upuan nga ang sumabit sa kisame ng barangay hall sa Maynila dahil dito.

Ayon sa balita ng GMA News ay nang inanunsyo raw ng Miss Universe host Steve Harvey ang pagkapanalo ni Catriona ay isang upuan ang nastuck sa kisame ng barangay hall matapos nilang magcelebrate sa tagumpay ng Pilipinas.

“’Di ko nga alam kung tatanggalin ko o ipe-permanente ko (ang naipit na upuan sa kisame). Biruin mo, memorable 'yan," sabi ni Barangay Chairman King Ancheta.

Mapapanood ang report ng GMA News na ito sa bandang 5:22-5:33 ng video na ito:

Samantala, una namang naibalita ng KAMI ang mga epic na reaksyon ng mga Pinoy sa naging resulta ng Miss Universe 2018. Tila lahat ay proud na proud na nakuha muli ng Pilipinas ang korona.

Naiulat din ng KAMI ang iba’t-ibang reaksyon ng mga celebrities sa pagkapanalo ni Catriona. Ilan na nga rito sina Pia Wurtzback, Angelic Panganiban, Bianca Gonzales, at Sam Milby.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel