Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

- Nag-alay ng isang makabayang awitin ang mga Pinoy fans sa Thailand para kay Catriona Gray

- Ito ay dahil sa pagkapanalo ng beauty queen sa Miss Universe 2018

- Simula pa lang ng journey ni Catriona ay palagi na itong nagpapasalamat sa mga taga-suporta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang makapanindig-balahibong tagpo ang naganap sa Thailand matapos i-anunsyong ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray ang bagong Miss Universe.

Nalaman ng KAMI na bumuhos ang suporta ng mga Pinoy sa Thailand at nagtipon-tipon sila upang ipagdiwang ang pagkapanalo ng beauty queen gamit ang isang awitin.

Sa isang video na inupload sa Youtube, makikita ang mga taga-suporta ni Catriona habang hawak ang maliliit na Philippine flag at kumakanta ng “Lupang Hinirang.”

Ramdam sa tinig at aksyon ng mga Pinoy doon ang saya dahil sa wakas ay nasungkit ng Bicolana model ang pang-apat na korona para sa Pilipinas.

Simula pa lang ng Miss Universe journey ni Catriona ay palagi na niyang sinasabi na lumalaban siya hindi para sa sariling interes kundi para sa sambayanang Pilipino.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inamin pa ng beauty queen na hindi magiging posible ang kaniyang pagkapanalo kung hindi siya sinusuportahan at minamahal ng mga Pinoy.

“Sa lahat ng supporters ko, maraming, maraming salamat po sainyo… I couldn’t have done it without your love and support and everything that you have given to me…” pahayag ng Miss Universe 2018.

“This is all for you. I can’t wait to come home and celebrate with you all. Mahal ko kayo, sobra!” dagdag pa niya.

Narito ang video ng makapanindig-balahibong pagkanta ng pambansang awit:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagbunyi ang mga sikat na celebrities sa bansa sa pagkapanalo ni Catriona.

Si Catriona Gray ang ika-apat na Miss Universe mula sa Pilipinas at siya rin ang tumapos sa sunod-sunod na pagkatalo ng bansa sa International pageants ngayong taon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel