Cardinal Tagle, may mensahe sa mga bully at inaabuso ang kapangyarihan

Cardinal Tagle, may mensahe sa mga bully at inaabuso ang kapangyarihan

- Nagsimula na ang Simbang Gabi sa mga Simbahang Katoliko

- Pinamunuan naman ni Cardinal Tagle ang Simbang Gabi sa Manila Cathedral

- May mensahe rin siya sa mga bully sa kanyang homily

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsimula ang Simbang Gabi noong Disyembre 16 sa mga Simbahang Katoliko bilang paghahanda sa Kapaskuhan. Nalaman ng KAMI na tila may mga naging mensahe naman si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga bully ayon sa balita ng ABS-CBN News.

"Sabi ni San Juan Bautista, huwag kang bully. Do not bully anyone. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan mambastos. Huwag mong gagamitin ang iyong kapangyarihan para piitin o i-coerce ang iba. Huwag mong gamitin ang iyong armas para magparatang ng hindi totoo," giit ni Cardinal Tagle.

"Huwag kang mangmamaliit. Hindi porke meron kang posisyon, 'yan ay karapatan na para mangyurak sa kapwa. Hindi ka magiging masaya sa ganyan. Sa katunayan ang bully, ang gumagamit ng kapangyarihan para maliitin ang kapwa, 'yan ang pinakatakot at insecure na tao," dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base sa balita ng Rappler ay binanggit lahat ito ni Cardinal Tagle habang homily sa Manila Cathedral.

Kamakailan nga lang ay sunod-sunod ang mga birada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katoliko, maging sa ibang pari at obispo.

Naiulat ng KAMI na ayon sa Facebook post ng Diocese of Borongan ay tila pinaalis daw ng Presidential Management Staff (PMS) ang ilang mga pari, Obispo, at ibang lider ng simbahan noong turnover ceremony ng Balangiga Bells sa Eastern Samar.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mother allegedly hurts little girl for sleeping in the jeepney, netizen chose to defend the helpless girl

Mother allegedly hurts daughter for sleeping in the jeepney, netizen comes to her defense

Mother allegedly hurts little girl for sleeping in the jeepney, netizen chose to defend the helpless girl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel