Naging impluwensya umano si Pres. Duterte sa sagot ni Catriona Gray sa Miss Universe Q&A

Naging impluwensya umano si Pres. Duterte sa sagot ni Catriona Gray sa Miss Universe Q&A

- Tila malaki umano ang impluwensya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tao para kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo

- Kung kaya naman ay posibleng naging impluwensya rin ito sa naging sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Q&A

- Parehas kasing pabor si Catriona at ang Palasyo sa paglelegalize ng medical marijuana sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay si Pangulong Rodrigo Duterte ang “single biggest influencing voice” at nais nito isulong ang pagiging legal ng medical marijuana sa bansa.

Nalaman naman ng KAMI na ayon kay Panelo ay maaaring si Pangulo ang naging impluwensya sa naging sagot ni Catriona Gray sa Q&A portion ng Miss Universe 2018.

Giit ni Panelo na ang naging sagot ni Catriona ay “adoption of the Palace’s stand.”

“Other than the people’s, there can be no greater voice than the President. The single biggest influencing voice is the President,” giit ni Panelo ayon sa balita ng Inquirer.

“It is the President that influenced her position or it may be the result of her own study after listening to various arguments pro and con,” dagdag niya pa.

Subalit sabi rin ni Panelo ay dapat ang Miss Universe na mismo ang tanungin dahil siya lang ang makakasagot tungkol dito.

"She is the only one who can answer whether or not she was influenced by PRRD. I suggest you ask her after her triumphant return,” sabi ni Panelo ayon sa balita ng ABS-CBN News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang tanungin si Catriona kung ano ang opinyon niya ukol sa pagiging legal ng marijuana sa bansa, pinaboran niya ito basta ay gagamitin para sa medical.

“I'm for being used in medical use but not so for recreational use. Because I think if people were to argue, 'what about alcohol and cigarettes?' So everything is good but in moderation. Thank you,” sagot ni Catriona.

Samantala, una namang naibalita ng KAMI na naging proud din ang Palasyo sa tagumpay ni Catriona sa Miss Universe 2018. Naibalita rin ng KAMI na tila natuwa si Vice President Leni Robredo dahil kinoronahan si Catriona bilang bagong Miss Universe na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng netizens ang pag-rampa sa supermarket

Pak na pak! Heart Evangelista, kinagiliwan ng maraming netizens ang pag-rampa sa supermarket
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel