Palasyo, proud na proud sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe

Palasyo, proud na proud sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe

- Nag-congratulate ang Palasyo sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe

- Giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay proud ang lahat kay Gray

- Tila ipinamalas daw ni Gray ang kanyang galing sa buong mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging ang Palasyo ay nagbunyi sa pagkapanalo ni Catriona Gray bilang bagong Miss Universe. Nalaman ng KAMI na nag-congratulate ang Palasyo sa Miss Universe 2018.

“The Palace wishes to congratulate newly crowned Miss Universe 2018 Catriona Gray,” giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ayon sa report ng PTV News.

Ayon kay Panelo ay talagang naging proud ang buong Pilipinas dahil sa galing ni Gray sa international beauty pageant.

“Ms. Gray truly made the entire Philippines proud when she sashayed on the global stage and showcased the genuine qualities defining a Filipina beauty: confidence, grace, intelligence and strength in the face of tough challenges,” sabi ni Panelo sa isang statement.

“In her success, Miss Philippines has shown to the world that women in our country have the ability to turn dreams into reality through passion, diligence, determination, and hard work,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinoronahan nga si Catriona Gray bilang Miss Universe 2018 ngayong Lunes sa Bangkong, Thailand. Tila todo naman ang suporta ng Pilipino sa beauty queen.

Unang naibalita ng KAMI na nagsalita na si Gray ukol sa kanyang pagkapanalo. Nais lang daw niyang maging proud ang mga tao sa kanya at maipakita ang totoong pagkatao niya sa mga judge.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH now ranks as the 69th happiest country on earth

PH ranks as the 69th happiest country on earth, 3rd in Southeast Asia
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel