Nagkagulo ang mga beki! Tropa, nagrambulan dahil sa pagkapanalo ni Catriona

Nagkagulo ang mga beki! Tropa, nagrambulan dahil sa pagkapanalo ni Catriona

-Isa muling tagumpay para sa Pilipinas sa larangan ng pagandahan ang nasungkit ni Catriona Gray na itinanghal na Miss Universe 2018

-Ngunit bukod sa kanyang pagkapanalo, epic din ang mga reaksyon ng sambayanang Pilipino

-Isang video ng magkakaibigan ang nai-upload sa social media na may "marahas" na reaksyon sa pagkapanalao ni Catriona

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tagumpay muli ang Pilipinas! Isa na namang korona mula sa pinakatanyag na beauty pageant ang nasungkit ng ating kababayan na si Catriona Gray.

Itinanghal na Miss Universe 2018 ang ating pambatong si Catriona na una nang naiulat ng KAMI.

At siyempre pa, buong Pilipinas ang tumutok sa winning moment na ito ni Catriona!

Kabilang na siyempre dito ang mga beki na talaga namang hahamakin ang lahat mapanood lamang ang Miss Universe.

Isa sa mga ito ang magkakaibigan sa isang viral video mula sa facebook page na Filipino Vibes.

Ang eksena, ay noong dalawang kandidata na lamang ang natitira na naglalaban para sa korona, isa siyempre si Catriona.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kitang-kita ang tensyon sa mga ito at napapahiyaw pa sa excitement!

At nang inanunsyo na nga ng host na si Catriona ang Miss Universe ngayong taon, hindi na magkamayaw ang mga ito at nauwi na nga sa "marahas" na reaksyon!

Pero mukha namang katuwaan lang ito para sa magkakaibigan. At nadala lamang ng kasiyahan sa panibagong korona ng ating bansa.

Mula sa KAMI, mabuhay ka Catriona!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping

Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping

Kylie Padilla gets punched in the face by stuntman during taping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel