Proud couple! Video reaction ng proud parents ni Catriona Gray, nag-viral

Proud couple! Video reaction ng proud parents ni Catriona Gray, nag-viral

- Nakunan ng isang netizen ang reaksyon ng proud parents ni Catriona Gray sa kanyang pagkakapanalo

- Napatayo ang kanyang ama habang ang ina naman ay naluha sa kagalakan

- Nagdiriwang ang lahat ng mga Pilipino sa buong mundo lalo na ang mga magulang ng ating Miss Universe 2018 na si Catriona Gray

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng Twitter user na si MikeinCambodia, o Michael Strahan ang video ng reaksyon ng mga magulang ni Catriona Gray matapos itong madeklara bilang Miss Universe 2018.

Makikitang napatayo talaga ang ama ni Catriona nang sabihin na ang nanalo habang napaluha naman ang kanyang Filipina na ina.

Ang mga katabi at malapit sa kinauupan ng mga magulang ni Catriona ay walang humpay ang pag-congratulate sa mag-asawa.

Maya maya pa aya tumayo na rin ang ina ni Catriona na naka-red dress din at binigyan ng matamis na halik ang asawa dala ng kasiyahang nararamdaman nila sa oras na iyon.

Samantala, maging ang mga Pinoy sa iba't ibang panig ng daigdig ay nagpaabot na pagbati sa mga magulang ni Catriona na super proud sa kanilang anak.

Ang ilan naman ay nagpabatid ng pasasalamat kay Michael sa pagbabahagi nito lalo na para sa mga Pilipino.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang sa komento:

"I’m teary eyed, I’m so proud to be #pinoy"
"Wow!! Proudest moment!!"
"I literally cried, this is so amazing! Thank you for this"
"I cried after seeing this... Parent's pride."
"Beautiful capture"

Umabot na sa halos 8k reactions ang video na ito sa Twitter sa loob lamang ng isa at kalahating oras.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President

Pres. Duterte’s drug war an ‘example to the whole world’, says Sri Lanka President
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel