Netizen, buong tapang na binatikos ang pagkakapasok ng transgender sa Miss Universe
- Walang takot na binatikos ng isang netizen ang pagkakapasok ng isang transgender woman sa Miss Universe pageant
- Binigay pa niyang halimbawa ang sagot ng dating Miss Universe na Sushmita Sen kung saan sinagot niya ang tanong na "What is the essence of a woman?" at sinagot naman nito ang "to bear a child"
- Wala raw pakialam ang netizen na si Jay Stark kung magalit sa kanya ang LGBTQ community sa kanyang matapang na pahayag na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Buong tapang na binatikos ng netizen na si Jay Stark ang pagkakapasok ng kauna-unahang transgender sa Miss Universe na si Angela Ponce ng Spain.
Ayon kay Jay, wala naman daw siyang kahilig-hilig sa mga pageant. Lalong wala rin daw siya umanong pakialam sa kung ano ang mga nais baguhin ng LGBTQ sa kanilang pangangatawan. Ngunit ang pagtanggap ng Miss Universe organizers na sumali ang isang transgender sa prestihiyosong beauty pageant.
Ginawa pa niyang halimbawa ang winning answer ng dating Miss Universe 1994 na si Sushmita Sen kung saan tinanong ito ng "What is the essence of a woman?" at sumagot ito ng "to bear a child."
Sa sagot daw na ito, sinang-ayunan siya ng pageant at malaki ang naging bahagi nito sa pagkakapili sa kanya upang hirangin bilang Miss Universe ng taon na iyon.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ngunit bakit daw ngayon, tila nawalan ng kabuluhan ito dahil sa transgender sa Miss Universe.
"Its just a digrace to all those who paved the way for the prestigious pageant to be where its at right now..." wika pa ni Jay.
Di rin daw siya magtataka na sa susunod na taon, di lang isa kundi maaring tatlo na ang mga transgender na kasali sa mga beauty pageants na sana ay para sa mga tunay na babae lang.
Dagdag pa niya, bakit di nalang din tumanggap ng mga atleta na transgender sa women's category.
Ang punto lamang daw ni Jay, sana naisip pa rin ng mga ito na dapat nagkaroon pa rin ng limitasyon lalo na pagdating sa mga ganitong klaseng patimpalak.
Samantala, naglabas din ng saloobin ang ilang mga netizens patungkol sa issue na ito. Ang ilan ay sumasang-ayon kay Jay habang ang ilan ay pinagtanggol ang sitwasyon ni Miss Spain.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Non sense na kapag lahat transgender na ang sumali sa MISS U.."
"Nice! Tama! Correct! Inside and outside tumpak!"
"Ay grabe naman yun, hindi naman basehan ng pagiging babae ang panganganak , pano naman yung mga totoong babae na hindi makakaroon ng anak kase baog sila ? So hindi na sila totoong babae ? Respeto nalang natin sa isat isa,hindi naman porket transwoman na sya e wala na syang karapatan na sumali sa ganyan .. just saying lang po."
"Di talaga dapat.. malaking sampal sa mga babae pagnanalo ang transgender... siguro magkaroon nalang sila ng sariling pageant..Just saying.."
"Para saken tama ka dapat may pagent para sa mga gay yung pare.pareho silang gay di nmn sa galit ako sa mga bakla para maging patas nmn yung natural na kagandahan di yung pinagawa lang"
"Tama nga nmn.. Ang ms UN pra lng s mga babae.. Meron mga pageant n pra lng s mga gay.. Dpat dun nlng.. Palagay nio kung s ms. Gay sumali ang babae palagay nio ndi b unfair pra s mga lgbt un?? Kaya sna ilugar dn nmn dba ung mga sasalihan n pde ang kasarian.. Peace"
Umabot na sa 43k reactions, 13k comments at 22k shares ang naturang post.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!
Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh