Cagayan massacre! 6 miyembro ng 1 pamilya kabilang 3-anyos, pinagtataga

Cagayan massacre! 6 miyembro ng 1 pamilya kabilang 3-anyos, pinagtataga

-Tadtad ng mga saksak sa katawan ang anim na miyembro ng isang pamilya sa Gonzaga sa Cagayan

-Umaga nang matagpuan ang mga bangkay ng mga ito kasama ang tatlong menor de edad

-Nakaligtas naman ang tatlong taong gulang na anak ng biktima ngunit nagtamo rin ito ng mga saksak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Anim na miyembro ng isang pamilya ang nadiskubre nitong Sabado na tadtad ng saksak sa katawan sa Gonazaga sa Cagayan.

Kinilala ang mga tatlo sa mga ito ay sila Dizon Oandasan, 42 at Sany Oandasan, 47, mag-asawa at Juanito Soliva, 53, ama ni Sany.

Patay din ang tatlong menor de edad na anak ng mag-asawa na may mga edad 13, 12 at 5-anyos!

Habang ang 3-anyos nilang anak ay nakaligtas naman bagamat nagtamo rin ng mga saksak sa katawa. Agad naman itong isinugod sa ospital.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabado ng unaga nang makatanggap ng tawag mula kay Barangay Captain Edgar Rasos ang mga pulis na may insidente ng pananaksak sa Sitio San Francisco, Barangay Ipil.

Ayon sa ulat, posibleng naganap ang pamamaslang sa mga ito Biyernes ng gabi o Madaling araw ng Sabado.

Hindi pa nakikilala ang suspek at posibleng away umano sa lupa ang dahilan ng pagpatay sa pamilya.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa krimen.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook

20-year-old son takes mom's jewelries and gives it to his Facebook girlfriend

20-year-old son steals jewelries of mother, gives it to girlfriend he met on Facebook
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel