Transgender na si Miss Spain, nakatanggap parin standing ovation sa Miss Universe

Transgender na si Miss Spain, nakatanggap parin standing ovation sa Miss Universe

- Nagkaroon ng privilege walk ang kauna-unahang transgender na sumali Miss Universe

- Sapat na raw sa kanya na makasali sa prestihiyosong patimpalak na para sa kababaihan

- Sa kanyang paglalakad, tinanggal niya ang kanyang sash at tinaas ito bilang simbolo ng kanyang tinuturing na tagumpay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taas noo pa rin ang kauna-unahang transgender na sumali sa Miss Universe na si Angela Ponce ng bansang Spain.

Bagaman at di na umabot sa top 20 ng prestihiyosong patimpalak, binigyan naman si Angela ng privilege walk bilang pinaka-unang transgender na lumahok sa Miss U.

Ayon pa sa GMA news, nasabi ni Angela na sapat na nakapasok siya sa patimpalak kahit pa di na ito umarangkada pataas sa pagsungkit ng korona bilang 2018 Miss Universe.

“I don’t need to win Miss Universe. I just need to be here,” pahayag ni Angela.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kanyang privilege walk, inalis niya ang kanyang sash kung saan nakasulat ang kinakatawan niyang bansa at itinaas ito bilang simbolo ng tagumpay na kanya pa ring nadarama sa kompetisyon.

Kasabay nito ang pagpapakita ng video recognition para kay Angela na nagpapatunay na mayroong equality sa nasabing patimpalak.

Maaalalang umani ng iba't ibang pambabatikos ang pagpasok ni Angela sa Miss Universe ngunit nangibabaw pa rin ang pagbibigay ng oprtunidad sa mga kagaya niyang transgender.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Buntis na kumuha ng physician licensure exam, nanganak ilang minuto matapos ang exam

Buntis na kumuha ng physician licensure exam, nanganak ilang minuto matapos ang exam

Buntis na kumuha ng physician licensure exam, nanganak ilang minuto matapos ang test
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel