Mala-Cinderella! Miss Vietnam, naranasang maging kasambahay bago maging beauty queen

Mala-Cinderella! Miss Vietnam, naranasang maging kasambahay bago maging beauty queen

- Naranasan ni Miss Universe Vietnam H'Hen Niê na maging domestic helper upang matustusan ang kanyang pag-aaral

- Masasabing pinaghirapan niya ang lahat ng kanyang inaaning tagumpay ngayon

- Mapalad siyang nakapasok sa Top 5 ng Miss Universe 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lingid sa kaalaman ng karamihan, masasabing inspiring ang kwento ng tagumpay ni Miss Universe Vietnam H'Hen Niê.

Ayon sa Wikipedia, pangatlo sa anim na magkakapatid si Hhen. bata pa lang ay sanay na siyang magbanat ng buto upang matulungan ang pamilya. Nagtrabaho siya isang coffee farm sa murang edad.

Nalaman ng KAMI na base sa kanilang tradisyon at kultura, maagang nagsisimulang bumuo ng pamilya. Sa edad na 14, pinag-aasawa na sana siya ng kanyang pamilya. Ngunit, binali niya ang tradisyong ito upang pagtuunan ang kanyang mga pangarap.

Iginapang niya ang kanyang pag-aaral. Nang magtapos siya ng high school, naging domestic helper siya ng isang taon upang matustusan ang kayang kolehiyo.

Nang maging intern siya sa isang bangko, doon nabigyan siya ng offer na maging modelo. At matapos ang kolehiyo, Nadiskubre siya ng isang Vietnamese designer na si Đỗ Mạnh Cường noong 2014. Dito nagsimula ang kanyang modelling career.

Dahil sa kanyang karanasan bilang modelo, sumali siya sa season 6 ng Vietnam's Next Top Model noong 2015 at pinalad na maging isa sa mga finalist.

At nang sumali siya sa Miss Universe Vietnam noong 2017, kapansin-pansin na talaga ang kanyang ganda dahil sa kakaibang kulay niya at buhok na taliwas daw sa karaniwang beauty queen mula sa kanilang bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Siya ang kauna-unahang 'Rade person' o mula sa ethnic minority na kanilang bansa na mahirang bilang Miss Universe Vietnam.

Kahanga-hanga na agad ang ginawa ni H'Hen dahil sa dinonate niya agad ang kanyang premyo mula sa Miss Universe Vietnam sa scholarship at paaralan ng mga mahihirap sa kanila.

Siya na rin ang hinirang na global ambassador ng Room to read program ng kanilang bansa na naglalayon na maturuang magbasa at makapag-aral ang mga batang babae.

Masasabing naging matagumpay parin si H'Hen sa kanyang Miss Universe stint dahil sa nakapasok siya sa top 5 ng prestihiyosong kompetisyon sa buong mundo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lodi! Larawan ng bilyonaryong si Bill Gates sa pagpila sa fast food, nag-viral

Larawan ng bilyonaryong si Bill Gates sa pagpila sa fast food, nag-viral

Larawan ng bilyonaryong si Bill Gates sa pagpila sa fast food, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel