Lalaking may down syndrome, nagretiro bilang crew ng Mc Donald's matapos ang 32 taon

Lalaking may down syndrome, nagretiro bilang crew ng Mc Donald's matapos ang 32 taon

- Naging emosyonal ang pagreretiro ni Russel O'Grady bilang crew ng Mc Donald's

- 1986 nang magsimula siya magtrabaho at ngayong 50 anyos na siya, masaya siyang magreretiro

- Marami ang pinahanga ni Russel na sa kabila ng kanyang kondisyon ay nakapagtrabaho siya ng marangal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang crew ng Mc Donald's na may down syndrome ang nagretiro na matapos ang 32 taon na pagtatrabaho rito.

Ayon sa Ladbible, 1986 nang magsimulang magtrabaho si Russel O'Grady sa Mc Donald's. At ngayong 50 anyos na siya, magsisilbi na lamang na masasayang alaala ang halos tatlong dekada niyang pagtatrabaho sa sikat na fast food chain.

18 taong gulang siya nang pasukin ang trabaho sa Sydney West branch. Kilalang kilala si Russel sa kanyang mga regular customers at maging mga ka-trabaho.

Ayon sa kanyang supervisor na si tinuturing na 'icon' si Russel at tinatawag nila itong 'best-known person in Northmead'.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Katunayan, may mga regular na customer na raw sila na tuwing Huwebes at Biyernes kumkain doon, upang makita na rin si Russel.

Ayon sa mga kapamilya ni Russel, napakalaki raw ng naitulong kay Russel ng pagtatrabaho niya rito. Naiba ang pananaw niya sa buhay mula nang siya ay magkatrabaho.

"He's very affectionate, dearly loved and appreciated, to such an extent that we just don't believe it," pahayag ng ama ni Russel.

Dahil dito, paniguradong mamimiss siya ng kanyang mga kasamahan at maging ng mga cutomers na napalapit na rin sa kanya.

Kahit gusto pang magtrabaho ni Russel, kinakailangan na niyang magretiro dahil na rin sa kanyang kalusugan.

Ang sitwasyon na ito ni Russel ay di nalalayo sa naunang naibalita ng KAMI kung saan isang hotel sa Davao ang tumatanggap ng mga interns na may down syndrome. Ito ay pagpapakita lamang na bagaman sa kanilang kondisyon, kaya pa rin nilang maghanapbuhay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW sa Taiwan, binawian ng buhay dahil di umano sa puyat, pagod at stress sa trabaho

Pinay OFW sa Taiwan, binawian ng buhay dahil di umano sa sobrang pagtatrabaho

Pinay OFW sa Taiwan, binawian ng buhay dahil di umano sa puyat, pagod at stress sa trabaho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel